CHAPTER 2

56 6 0
                                    



"Nak! Gising na! Papasok ka pa" dinig kong sigaw ni Papa mula sa labas. "Oo nga, Yoo Ki. Tumayo kana dyan at nakagawa na ako ng almusal niyo"sigaw din ni Mama.


"Okay, Ma! Maliligo lang po ako", I answered enthusiastically and then stretched and went straight to CR.


Hays. Highschool life nga naman, ang sarap sa feeling! Natapos din sa wakas ang bakasyon.


-


"Oh ito paborito mong almusal", tuwang tuwa si Mama habang sinasabi iyon sa akin. Masaya naman akong umupo sa tabi niya. "Thankyou, Ma!" nakangising tugon ko saka kumagat sa bacon na hinanda sa akin ni Mama. Sinasandukan naman ako ni Papa ng fried rice.


"Gisingin mo nga yung kapatid mo dun, jusko ano oras na nakahilata pa rin" medyo naiinis na reklamo ni Papa. "maayos naman ang grade ng kapatid mo, ano?" nakangiting tanong niya saka humarap sa akin.


"Oo naman, Pa! Balita ko nga top 2 siya sa klase nila. Tapos siya lang daw lalaki sa top list!" proud kong sagot.


"Wow talaga? Ayos ah. Ikaw Top 1 tapos siya Top 2! Nakanang ang tatalino naman talaga ng mga anak ko oh" Dad's proudly bragging about us. I just laughed.


"Gisingin mo na ang anak mo na yun para makakain na din! Nako puro daldal",natatawang singit ni Mama sa usapan namin, napangiti naman ako.


"Ito na, ito na!", Papa agreed and then got up and went to Yoon Gi's room.


"Next year college ka na, Nak. Ano ba gusto mong kuhain?" biglang tanong ni Mama sa akin.


"Gusto ko po mag business, Ma" nakangiting sagot ko.


"Whoa, really? Ayos yan. Para maituloy mo ang pangarap ng papa mo dati" nakangiting aniya. Ngumiti na lamang ako.


"Dinig kong mag bi-business ka, Anak? Ayos yan"I turned to Papa in shock when he suddenly spoke. Nakabalik na pala siya.


"Oh? Asan si Yoon Gi?" nagtatakang tanong ni Mama.


"Maliligo daw muna" sagot ni papa saka umupo sa tabi ko. "alam mo, Nak? Dati pangarap ko maging business man. Dahil gusto ko sumunod sa yapak ng mga umampon sa akin. Ang kaso nung nagkasakit ang Lola mo, kinailangan kong akuin ang trabaho nila ng mas maaga. Kaya matutuwa talaga ako ng sobra kapag ikaw naging successful business woman" ramdam ko ang proud sa boses ni Papa kahit na hindi pa ako tanyag na business woman.


"Pangako, Pa! Magiging business woman ako!" pagmamayabang ko.I even raised my right hand as if you were swearing. He laughed.


"Kung CEO ka ng business mo, gawin mo akong president cyempre" biglang singit ni Yoon Gi. Ang bunso kong kapatid.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now