CHAPTER 30

18 5 0
                                    




"Yoo Ki Lee",dinig kong tawag sa akin ng principal. Dahan dahan akong umakyat ng stage at kasabay non ang malakas na hiyawan.


Nilibot ko ang tingin sa malawak na gymnasium na puno ng mga students. Nakita ko doon ang dalawang kaibigan ko na alam kong masaya para sa akin, hindi ko parin maiwasang malungkot dahil ang pangarap ko ay harapin ang lahat ng ito na kasama ang buong pamilya ko ngunit ngayon ay hinaharap ko nang wala ni isa sa kanila.


Nakangiti kong tinanggap ang diplomang nilahad sa akin ng principal. Pagkatapos kong makipag kamay ay humarap na ako sa mga kaibigan ko, nakatutok sa akin ang mga camera nila kaya todo ngiti naman ang ginawa ko.


As soon as I came down the stage, they quickly ran towards me, Ah Ki hugged me first and Haruki followed. Nagulat pa ako nang may inabot itong pulang roses, bigla ay napahinto ako kaya nagtaka sila. Ilang minuto lang iyon dahil umiling na agad ako saka pilit na ngumiti.


Apat na taon na ang nakalipas magmula nang mangyari lahat ng iyon, aaminin kong hindi pa ako ganun nakakamove on sa lahat at masakit parin para sa akin, pero hindi iyon naging dahilan ng pagbagsak ko. Ngayon ay graduate na ako sa college at handa na simulan ang panibagong yugto ko sa buhay.


Dumeretso kami sa pinakamalapit na restaurant, si Haruki ang manlilibre ngayon dahil nakuha niya daw ang allowance niya. Kila Ah Ki ako ngayon naninirahan dahil hindi ko ata kayang tumira mag isa sa bahay namin dahil baka mabaliw na ako nun. Binibisita ko lang iyon isang beses sa isang linggo para maglinis at aalis din agad pagkatapos.


"Hindi daw uuwi si Natsumi?", tanong ko. Bakas ang tampo dahil pinangako niyang susubukan niyang umuwi, wala din kami gaanong balita sa kanya. Hindi na rin siya gaano tumatawag sa amin, apat na taon na din siyang wala sa pilipinas dahil kinuha daw siya ng Ate niya at dun siya sa Japan maninirahan. Noong araw na rin nga na iyon lang namin nalaman na may kapatid pala siya. Hindi na kami gaano nag tanong dahil halata naman sa kanyang ayaw niya mag kwento.


"Kumusta ang Med School?",tanong ni Ah Ki kay Haruki habang kumakain.


"Hectic", reklamo niya saka sumubo ng malaking parte ng ulam. Natawa lang kami. "Ikaw ano balak mo?", biglang tanong niya sa akin kaya napaisip din ako. Pansin kong laging siya ang nagtatanong kung anong balak ko, hindi ko maiwasang matawa.


"Hindi ko pa alam", natatawang sagot ko naman kaya napatigil siya. "Hindi ko alam kung paano sisimulan, maghahanap siguro muna ako ng trabaho na connected sa course na natapos ko", dagdag ko pa.


Akmang susubo na din ako nang bigla niyang inabot sa akin ang mamahaling DSLR niya, nagtataka ko naman iyong tinignan saka siya pinagkunutan ng noo.


"Nagustuhan ng kaibigan ko kung paano ka kumuha ng mga pictures. Gusto ka niyang kunin na photographer sa isang model show, g kaba? although yung trabahong iyon eh hindi sakto sa natapos mo, baka pwede maging way mo para makaipon ka muna", biglang tanong sabi niya na ikinagulat ko. Napakurap kurap pa ako non saka dahan dahang kinuha ang DSLR sa kanya.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now