CHAPTER 25

24 5 0
                                    



Nasa daan kami papunta sa coffee shop na gusto niyang puntahan ng maisipan ko siyang tanungin para mabasag ang nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse.


"Anong binili mo?", Hindi ko alam kung tama ba na tanungin ko pa iyon pero dahil gusto ko ngang mabasag ang katahimikan ay yun nalang ang naisipan kong itanong.


"Huh?", mukhang hindi niya narinig ang tanong ko. Hindi ko alam na bingi pala ang isang to?


"Ano kakong binili mo?", tanong ko ulit, medyo naiinis na. Pilit naman siyang ngumiti at alanganing tumingin sa akin kaya nagtaka ako.


"I was hungry and I saw a vendor selling orange balls. I ate some", alanganing sagot niya. Batid kong ayaw niya sabihin kung ano iyon kaya napilitan siyang magsinungaling.


"Ang daya mo, kumain kang wala ako", sagot ko. Nagkukunyaring naniniwala para hindi na siya mailang na sumagot. Gusto kong pahabain ang usapan dahil nakakabingi talaga ang katahimikan. "And one more thing, it's called kwekkwek, not orange balls" I rolled my eyes.


"A-Ah" He laughed awkwardly, "Do you eat kwekkwek?" nag isip pa siya nun kaya pahinto hinto ang pagsasalita niya.


"Oo naman, favorite ko yun", sagot ko. Tumango tango lang siya kaya napanguso ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto dahil baka bigla siyang magsalita ng bagong topic ngunit bigo ako dahil patuloy lang siyang nagdadrive.


"Ilang taon kana pala? Grabe, ang pangit ng unang pagkikita natin tapos ganto pa nangyayari. Nawala sa isip kong kilalanin ka", mahabang usal ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti. My forehead furrowed as he did not answer. The car stopped in front of a coffee shop. I turned there and was surprised because there was something that blocking the window now, the glass was covered by a curtain so I was surprised and look at Ashden again.


"Don't go out yet. Let me open the door for you", pag papaalala niya sa akin saka mabilisang tinanggal ang seatbelt ko. Hindi siya ganun lumapit sa akin kaya hindi ako gaanong nailang. Tinanggal niya rin ang kanya saka mabilis na bumaba at patakbong pumunta sa side ko. Binuksan niya ang pinto saka nilahad sa akin ang kamay habang nakangiti.


"Ang corny mo, alam mo yun?", nakangiwing sambit ko sa kanya. Natawa lang siya at ginalaw ang kamay na nakalahad, pinagtaasan niya ako ng kilay at sumenyas na tanggapin ang kamay niya. Pumayag nalang ako na tanggapin iyon para tanggapin ang gimik niya, tutal naman ay ngayon lang ito.


Inalalayan pa niya ako sa pagbaba. Nang makababa ay hindi niya tinanggal ang kamay na nakahawak sa akin, pinagsalikop pa niya ito kaya nagulat ako! Sibunukan kong hindi pansinin dahil parang wala lang iyon sa kanya.


Pumunta siya sa may compartment ng sasakyan kaya napasunod din ako dahil nga magkahawak kamay kami. I feel like my face is red again because of that! I try to normalize what is happening in my mind.


Binuksan niya ang compartment at kinuha ang bouquet of red roses doon, nakangiti niyang inabot iyon at binigay sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan, wala siyang sinabi bagkus ay bumitaw siya sa hawak at kinuha ang isang kamay ko para doon ilagay yung flowers.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now