CHAPTER 29

21 4 0
                                    



2 months later..


"Happy birthday, Natsumi!" sabay sabay na bati namin paglabas palang ni Natsumi sa kwarto niya.


Andito kami ngayon sa bahay niya dahil gusto namin siya isurprise. Sa tingin ko ay pati siya ay nalimutan ang sariling kaawaran. Hindi sila okay ng tita niya kaya paniguradong wala yung pake.


Gulat naman siyang tumingin sa amin, magulo pa ang buhok at halatang kakagising lang. Natawa kami sa itsura niya, natauhan naman agad siya at patakbong bumalik sa loob ng kwarto at nilock ang pinto. Patawa tawa naman kaming sumunod.


Ilang beses kumatok si Haruki sa pinto nito. Sa tingin namin ay nasa CR iyon at naliligo na. Nahihiya siguro siya sa itsurang nadatnan namin, siya kasi ang nauunang magising sa amin noong magkakasama pa kami sa bahay matulog.


While waiting for Natsumi to get ready, we thought we should go to the living room and just wait there. Maya maya ay dumating yung cake na pina deliver namin at agad naman iyong kinuha ni Ah Ki. Haruki and I were left alone.


"Anong plano mo sa studies mo?", biglang tanong niya habang nananatiling nakatingin sa cellphone.


"Ha?"


"Anong balak mo sa studies mo? It's been two months. Baka hindi ka makapag college nyan kapag hindi kana pumasok talaga", aniya saka tuluyan nang tumingin sa akin.


"Kakausapin ko muna ang adviser ko kung pwede pa akong makahabol", sagot ko.


"Are you ready to study again?", tango lang ang sinagot ko sa tanong niya na yun. Matagal niya pa akong tinitigan saka umiwas ng tingin nang dumating na si Ah Ki dala ang cake.


I slowly accepted the fact that I can't win that case if I keep pursuing it with this situation. They are right, I'm still young so I'm not capable of finding justice for my parents. So I don't have a choice right now but to keep on living and continue what I wanted to, what my parents wanted me to become.


Maya maya pa ay dumating na din si Natsumi, pinapatuyo niya pa ang buhok niya gamit ang tuwalya habang naglalakad palapit sa amin. Nakangiti naman namin itong sinalubong.


"Whoa. Naalala niyo pa 'to?", manghang tanong niya saka tinignan nang maigi ang box ng cake.


"Of course. It's your 19th birthday", sagot naman ni Haruki. Napangiti naman si Natsumi.


Tumayo ako para buksan na ang cake at pumuntang kusina para kunin ang lighter. Nakangiti naman akong pinapanood ni Natsumi, nang masindihan ko na ang kandila ay dahan dahan kong kinuha ang cake mula sa box saka nakangiting nilahad sa kanya.


The two also stood up and approached us.Nakangiting halos kita ang gilagid si Natsumi ngayon, batid kong masaya talaga siya. Sinenyasan namin na mag wish na siya. Saglit siyang pumikit saka hinihipan ang kandila. Masaya namin siyang kinantahan matapos noon, nakangiti parin siya hanggang makaupo sa couch.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now