CHAPTER 35

16 4 0
                                    



3 years later... (present-day)


"Ma'am Yoo Ki, bumababa na po ang sales natin sa male products dahil siguro wala tayong gaanong sikat na model", namomorblemang balita sa akin nung secretary ko. Napahawak ako sa ulo dahil don.Totoo ngang bumababa na ang sales ng Male Products namin dahil natatabunan ng ibang mga sikat na model ang mga model namin. Tumayo ako at sinenyasan ang secretary na lumabas muna para makapag isip ako ng maayos.


Sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho bilang model kay Sir Brendon - este ni Britty dahil simula nang magkaroon ako ng sariling business e ayaw niya nang tinatawag ko siyang Sir - nakaipon ako ng malaking pera sa loob ng dalawang taon at napagdesisyunan na bumuo ng sariling business. Oswyn and Brendon helped me along the way, mahirap pero masaya parin ako dahil kinaya ko. Beauty products din ang hawak ko ngayon, naging iisa narin ang company namin ni Britty dahil binitawan niya na ang kanya at lumipad papuntang ibang bansa dahil mas kailangan siya ng business niya doon.


Ngayon ay ako ang CEO ng company naming dalawa, naging shareholders nalang siya base sa usapan pero may karapatan parin siya sa kalahati nito. Hindi naman kami nagkaproblema tungkol dun dahil madali kami kausap parehas.


Natsumi returned to the Philippines two months ago. Nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay, ngayon ay nasa iisang bahay kaming lahat na may sari-sariling sasakyan. Isang taon na magmula noong maging CEO ako at sa loob ng isang taon na yun ay naging swabe ang lahat.


Si Oswyn ay isa din sa mga shareholders ko. Partner nga ang company namin dahil siya sa Clothes at ako naman sa Make ups and other Beauty products.


Hindi na rin ko hinahayaan ni Oswyn na tawagin siyang Sir dahil naiilang na daw siya. We have been very close for three years and I am thankful for that. Hindi ko makakamit ang success naa ito kung wala sila.


Wala pa rin akong alam sa kanya dahil hindi maipagkakailang masekreto siyang tao ngunit parehas lang naman kami. Hindi namin napag uusapan ang tungkol sa isa't isa, bagkus ay puro tungkol sa business at lovelife lang namin ang lagi naming napag uusapan kapag nagsasama sama kami.


Dahil wala kaming lovelife parehas ay puro sa asaran lang nauuwi ang usapan namin. Just now I actually had a pretty serious problem because of the drop in sales of my male products. Napasapo tuloy ako sa noo saka nanatiling nakatingin sa malaking salamin na kita ang buong city. Ginagawa ko na ngayon ang dating ginagawa ni Oswyn sa sarili niyang office.


Isa pa sa problema ko yung biglang pagsulpot ni Ashden sa coffee shop kahapon. Hindi ko alam ang sariling nararamdaman.All I know now is that I have no other feelings for him. Siguro ay nagulat lang ako kahapon kaya ganun ang naging reaction ko.


Sa huli ay naisipan kong tawagan si Oswyn dahil alam kong sa lahat ng kaibigan ko, siya ang pinakamakakatulong sa usapang ganito. Mabuti nalang at wala pang ilang minuto ay sinagot niya na din agad.


("What's up?") bungad niya. Mukha siyang pagod base sa boses niya dahil mukhang kakagising lang nito at halos mapaos pa nga.


"Wala kapa sa office mo?"


("Yeah. I actually visit you in your office but your secretary said your busy"), tila nagtatampo ang boses niya sa kabilang linya kaya natawa ako. Napahawak ako sa noo at naisip na siya pala yung important person daw na gusto akong makita.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now