CHAPTER 6

35 5 0
                                    




Monday. May pasok nanaman at panibagong hiyaan nanaman sa school ang matatamo ko.


"Ate sabay ako sayo papasok, maaga kami ngayon e", at boses nanaman ni Yoon Gi ang almusal ko sa umaga.


"Oo na! Nakaayos kana ba?" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Okay, nakaayos na nga. Tara!" aya ko saka siya inakbayan. Nadaanan namin sa sala sila Mama at Papa na nag uusap.


"Oh? Aalis kami ng Mama mo, mag ingat kayo papasok ah!" nakangiting salubong sa amin ni Papa. Nakangiti naman kaming nag mano sa kanya at bumeso naman kami kay Mama.


"Take care of yourself ha", Mama said suddenly. Yoon Gi and I frowned because his tone seemed different again.


"Saan ka po pupunta, Mama?" tanong ni Yoon Gi.


"Dyan lang naman sa malapit. Magkikita din naman tayo pag uwi, ingat kayo ha! Mahal namin kayo mga anak", nakangiting sagot ni Papa kay Yoon Gi. Nagkatinginan lang kami ni Yoon Gi at tumango. Umayos na ako ng tayo at umakbay kay Yoon Gi saka nagpaalam na umalis.


As we were walking on the street we saw Natsumi along with the two so we walk with them, they just talked to Yoon Gi about random things. Eventually, the four of us were together since grade 6 that's why they are close with my little brother. Haruki even said that if Yoon Gi wasn't younger, he might have liked him because he's ideal. I just shook my head.


Pagdating sa school ay expected nang madaming titingin sa amin. Of course, the rumor won't go away that easily, especially now that I'm with Yoon Gi, kaming apat at si Yoon Gi lang nakakaalam na magkapatid kami dahil halos hindi kami nagkakasabay pumasok. Mas maaga kasi ang pasok ko kesa sa kanya, at mas mababa ng dalawang taon ang grade niya sa akin.


I was surprised when Natsumi suddenly laughed. We turned to her causing her to stop walking.


"Narinig ko kasi dun sa nag bubulungan na pedophile ka daw Yoo Ki. 4th year kana daw tapos 2nd year yang inaakbayan mo" aniya saka tumawa pa lalo. Napangiwi nalang ako pero hindi ko tinanggal ang akbay ko sa kapatid ko. Yoon Gi, on the other hand, seems to be uncomfortable by what he heard kaya siya na mismo nag tanggal ng kamay ko.


"Napaka issue naman ng mga tao", naiinis na aniya. "hindi ba halata na magkapatid tayo? Tsaka hey! Kung hindi tayo magkapatid hindi din ako papatol sayo!" biglang reklamo niya sa akin. Nangunot naman ang noo ko at akmang babatukan siya pero agad naman siyang nakailag at lumayo sa akin ng onti.


"Ya! Hindi rin naman ako papatol sayo, ano!" inis na sabi ko sa kanya.


He laughed, "Ang pangit mo Ate! Osige na babye na mga Noona! See you later! Pasabay ulit ako umuwi ah?" aniya saka patakbong lumapit sa mga tropa niya siguro.


"I wish I have a brother like him", Ah Ki whispered while smiling. Napatingin naman kami lahat sa kanya.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now