CHAPTER 27

28 6 1
                                    



Andun na yung Lawyer pagkadating namin. Nasa labas siya ng bahay habang naghihintay sa loob ng kotse niya. Nakita agad namin siya dahil kilala naman siya ni Haruki.


Haruki got out of the car first, sumunod naman agad kami. Sinalubong niya yung Lawyer at mabilis na nagmano dito. Nginitian ko lang ito at yumuko saglit bilang pag galang, ganun din ang ginawa niya.


"Condolence", aniya sa akin pagpasok namin sa bahay. Ngiti nalang ang isinagot ko.


Dahil wala nang ibang nakatira sa bahay maliban sa driver namin na nasa labas ay dun nalang kami sa sala nag usap.


"I can't promise that I'll win this case but I'll do everything I can", bungad nung Lawyer pagkaupo palang namin. Tumango naman ako. "Can I see the evidences?", tanong niya habang may inaayos sa papeles niya.


Mabilis naman akong tumayo at umakyat sa kwarto ko para hanapin ang flash drive na iyon. Patakbo akong bumalik at hinihingal na inabot ito sa lawyer.


"is this the only copy?", tanong pa niya. Akmang sasagot na sana ako ng hindi nang unahan ako ni Haruki. "Yes, Atty." sagot niya kaya nagtataka akong lumingon sa kanya. Tumango naman siya sa akin kaya hinayaan ko nalang.


Sinalpak ni Attorney yung flash drive na binigay ko at isa isang pinanood ang mga footage. Tumatango tango siya habang pinapanood ito lahat.


"Tomorrow will be the first and last trial to the case of your father-"


"First and last? Hindi ba ilang beses dapat po iyon?", tanong ni Ah Ki. Tumikhim naman si Attorney kaya nanahimik ulit kami.


"The judge requested that it should be only one trial because of the lack of evidences. But since we already have these, maybe we can turn the table for them", mahabang paliwanag nito nangunot naman ang noo naming lahat pero kalaunan ay tumango nalang.


"I want y'all to be on the audience only. Kid's aren't allowed to be the witness because the judge requested it", dagdag pa niya kaya mabilis kaming umalma.


"Hindi naman yata tama iyon, Atty! Bakit parang nasusunod lahat ng gusto ng judge?", pagalit na tanong ko. Napabuntong hininga naman si Attorney saka umayos ng upo.


"Even if Judge allow kids to be a witness, how will you do it, you're not in the crime scene afterall.", pabalang na sagot nito. Napaupo nalang ako ulit ng maayos at bumuntong hininga.


"Besides, Mr. Santos is pointing to someone as the suspect, in fact, he has a lot of evidences", aniya pa. Nangunot nanaman ang noo naming lahat at tinanong kung sino ang mga iyon.


Pinakita sa amin ni Attorney lahat ng suspect na tinuturo ni Mr. Santos. Wala kaming kilala kahit isa sa mga iyon, lalo na ako kaya imposibleng sila ang dahilan ng pagkamatay ni Papa!


"Since tomorrow will be the first and last trial, you must be ready for the outcome. Again, I can't promise we'll win here but I'll do my best", aniya. Tumango lang kami. Ilang minuto siyang naghintay kung may tanong pa ba kami ngunit nang hindi na kami magsalita ay tumayo na siya. "See you tomorrow", huling sinabi niya. Nagpasalamat lang ako at pagkatapos nun ay lumabas na siya mag isa. Tila mga pagod kaming lahat kaya walang nag volunteer na mag hatid kay Attorney palabas.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now