CHAPTER 31

27 4 0
                                    




Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag ayos ng sarili. I'm wearing a black and white off shoulder dress now, light lang din ang nilagay ko na make up dahil hindi naman ako gaanong mahilig sa ganun. dala ko yung lagayan ng DSLR. Haruki's DSLR isn't that big so I didn't have that much trouble handling it.



Ilang beses akong tumingin ulit sa salamin at nagpaikot ikot kung bagay ba sakin yung suot. I pouted because I'm satisfied with what I'm wearing but I don't have a choice. I didn't have time to buy new clothes anymore. Umiling nalang ako saka naglakad na palabas ng bahay.



I was walking towards the gate to ride a tricycle to the address given to me but suddenly someone blew a horn at me. Muntik pa akong mapatalon dahil dun. Inis kong tinignan yung nasa likod at nangunot ang noo nang hindi mapamilyaran yung sasakyan. Tinted pa yung windshield kaya hindi ko makita yung nasa loob.



I stared at it for a few minutes but when nothing came out of the car I just ignored it and continued walking. Binilisan ko ng onti dahil medyo kinakabahan ako, baka mamaya ay rapist pa iyon. Isakay ako sa kotse tapos dalhin sa malayo, jusko kahit ganto buhay ko madami parin akong pangarap ano.



Dahil medyo mabilis na ang lakad ko, nararamdaman kong naka sunod lang sakin yung sasakyan. Mas lalo tuloy akong kinabahan at onti nalang ay tatakbo na talaga ako! Palingon lingon pa ako sa paligid baka sakaling may tao ngunit wala akong makita kahit isa. Bakit parang ang layo ng labasan ngayon?! Nakakainis.



The car kept following me so I started running. Ngunit mahal na ata talaga ako ng malas dahil natapilok pa ako! Naka heels kasi ako ngayon dahil hindi naman bagay na naka rubber shoes ako tapos naka dress. Napapikit ako sa inis at sa sakit na naramdaman mula sa paa ko, feeling ko ay napilay pa ata ako!



Mabilis na pumunta sa harap ko yung sasakyan at agad na bumaba yung driver. Kakabahan na sana ako ngunit nagulat ako nang makitang mukha siyang nag aalala, mabilis siyang lumapit sa akin at chineck yung paa ko. Nahawakan niya yung masakit kaya napasigaw ako na ikinagulat niya naman, napatakip tuloy ako sa bibig dahil sa hiya.



"I'll bring you to the hospital", aniya saka akmang bubuhatin ako. Mukha pa atang bridal style yun kaya agad akong umilag at hinarang sa kanya ang mga kamay, he frowned at me.



"Alam mo, ikaw may kasalanan nito e! Bakit mo ba ako sinusundan?! Sino kaba? Hays! Malelate ako neto e. Unang araw sa trabaho late ako!", halos maiyak ako sa inis at sinubukan tumayo ngunit napakagat ako sa labi nang sumakit nang sobra yung paa ko! Napabuntong hininga itong lalaki sa harap ko saka walang alinlangang binuhat ako. Hindi ko tuloy mapigilan sumigaw at manghingi ng tulong.



"Stop it, will you?!", ramdam ko na din yung inis niya kaya medyo natakot ako. Napatahimik tuloy ako at hindi na pumalag! Napaisip ako dahil mukhang familiar ang boses niya na yun! Hindi ko lang maalala kung saan ko ba narinig.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now