CHAPTER 48

28 6 0
                                    




"My father-", huminto muna saglit si Arthur at tumikhim bago nagpatuloy. "Mr. Anderson testified that he forged the outcome of the first trial six years ago and covered up the real culprit behind the murder. The entire case began when you, Former Mayor Vincent Santos murdered Mr. Hyun Joo Lee", Arthur said with full of confidence. Hindi ko inaasahan na sa oras na ito ay makikita ko siya bilang Lawyer ng father niya ngunit hindi para idefend ito, kundi para iparatang sa kanya lahat ng mga nagawa nito 7 years ago. Ang akala ko ay sa kalaban nanaman siya at makakalaban namin siya. Sa loob ng pitong taon ay ngayon ko lang siya muling nakita ng ganito kalapit.


Arthur showed all the evidences we got seven years ago in the big projector. Dahil doon ay hindi na nakapagsalita pa ang side ni Mr. Vincent Santos. Nagsimula nang mangilid ang luha ko nang marealize na onti onti nang natatalo ang side nila, makakamit na ng mga magulang ko ang justice na pinagkait sa kanila.


Dahil nga hindi na nakapagsalita ang kabilang panig ay nagsimula nang magsalita ang prosecutor. Mas lalo akong nanghina nang makitang si Oswyn ang matapang na nakatayo doon at mukha talagang professional siya sa larangang iyon. Suot niya ang uniform ng isang prosecutor at hindi maipagkakailang bagay na bagay ito sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na isa pala siyang lisensyadong prosecutor, hindi niya ito nabanggit noon kaya nasasaktan ako ngayon sa mga nangyayari. Ngayon ko din narealize na hindi ko pa siya ganun kakilala, pangalan niya lang ang nag iisang alam ko.


"The accused, Former Mayor Vincent Santos with bribe-offering and murder of Hyun Joo Lee, I demand life imprisonment", madiing aniya saka humugot ng malalim na hininga saka saglit na tumingin kay Judge Anderson na ngayo'y katabi ni Mr. Santos, nakatitig din ito sa kanya.


"The accused, Judge Anselm Amadus Anderson, who is working as the judge in the last trial seven years ago, tried to sell his ruling for personal gain. He should...", napahinto siya at napabuntong hininga saka napatingin kay Arthur at Aiden na parehas nakayuko. Nagtataka din tuloy akong napalingon sa kanila. Humigpit ang kapit sa akin ni Aiden kaya kunot noo ko siyang nilingon. "He should be given a severe punishment. I demand...", tumigil pa siyang muli saka deretsong tumitig sa mata ni Judge Anderson. "10 years in prison", napapikit si Judge Anderson matapos sabihin iyon ni Oswyn. Lumuwag din ang kapit ni Aiden sa akin at deretsong napatingin kay Oswyn na nangingilid ang luhang nakatitig kay Judge Anderson. Nakangiting tumango tango naman ito na tila tinatanggap ang lahat na pinataw na kaparusahan sa kanya.


"The accused, you may give your final testimony", biglang usal ng Judge na may hawak sa kaso ngayon habang deretsong nakatingin sa akusado. Unang tumayo si Judge Anderson kaya seryoso din kaming nakinig sa kanya, ngumiti pa siya saka tumingin kila Oswyn, Arthur at Aiden.


"I am a judge.. But I didn't live as one", panimula nito saka nagsimulang mangilid ang luha. "I don't have anything to say about me, I just want to say that I am proud of my sons", nakangiting aniya saka nilingon ulit yung tatlo. Napayuko naman si Arthur habang si Oswyn ay nananatiling nakatitig dito habang si Aiden ay nakaiwas ng tingin, nakita ko pang pasimpleng nagpunas si Arthur ng luha. "Please punish me severely and show to everyone who is watching this right now that nobody is free from the law. That's all", huling sinabi niya saka umupo na at nag punas ng luha. Hindi na nagbigay pa ng testimony si Mr. Santos dahil galit nalang ang nangingibabaw sa kanya ngayon, masama ang tingin niya kay Oswyn na matapang naman nitong nilabanan.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now