CHAPTER 43

18 5 0
                                    



"Bakit ka bumili ng donut?", nagtatakang tanong ni Ah Ki pagkabalik ko ng sasakyan. Saglit ko pang tinignan yung dala ko saka ngumiti.


"Paborito ni Oswyn yan", proud na sagot ko saka sinimulan na ulit mag drive.


"Ganun? ang cute. Naeexcite tuloy akong mameet siya", tila kinikilig na aniya. "Pwede naman siguro akong mag papicture sa kanya ano?", aniya saka tumawa nang malakas. Napangiwi ako.


"Pwede naman, kung nasa mood siya. Remember, masungit siya. Sabi din ni Haruki", pananakot ko. Nagmake face naman siya saka tumingin sa bintana.


Pagdating namin sa office ay sinalubong ulit ako ng mga guard. Because they already know me and I almost hang out almost everyday here before, they have almost become close to me, pati yung ibang employee.


I don't know but I was suddenly get nervous when we're in the elevator. Napahawak tuloy ako sa dibdib at pinakiramdaman ang sariling puso. Napalingon naman si Ah Ki at akmang magtatanong ngunit inilingan ko na agad bago pa siya makapag salita.


Nang makarating kami sa floor kung nasaan ang office ni Oswyn ay kinuha ko muna ang compact mirror ko at nag ayos ng onti. Nanonood lang si Ah Ki, naghihintay na matapos ako.


I didn't knock anymore because I'm used to coming here suddenly and I didn't even let him know I was coming. Nakangiti pa ako noong una pero nawala iyon nang makitang may ibang tao.


"Oh? Ms. Yoo Ki?", nagtatakang tanong ni Yunah. Nakapasok na din si Ah Ki at pinagsingkitan ng mata ang nasa harap na tila kinikilala. Napalingon ako kay Oswyn na may kinakain nang pagkain, I suddenly felt sad and looked at the donut I was carrying.


"Hey, Yunah", bati ko. I looked at Oswyn again but he didn't even look at me. I felt like something was wrong so I slowly approached him and placed the box of donuts on his table.


"Hi Oswyn", pagtawag ko para makuha ang atensyon niya. Nilingon niya lang ako saglit saka tumango, he look sick so I was about to put my hand on his forehead to check him up but he immediately avoided my hand which made me shocked. That's when I confirm that something is wrong with him.


"I'm okay. What brings you here?", mas lalo pa akong nagulat sa way ng pagkausap niya sa akin, hindi siya ganoon! Malambing lagi ang boses niya at dapat kanina palang pagpasok ko ay sinalubong na niya ako at tinanggap ang dala kong donut na sinabi niyang paborito niya. Hindi ko maiwasang sumimangot sa inaakto niya.


"Who's this girl?", tanong ni Oswyn saka lumingon kay Ah Ki. I also turned to Ah Ki and then looked back at him again. He just glance then nodded at Ah Ki while Ah Ki did the same. The enthusiasm in Ah Ki earlier was lost the moment she entered Oswyn's office.


"She's my bestfriend, Ah Ki Park", pakilala ko. Tumango tango naman siya at tumayo saka naglahad ng kamay kay Ah Ki. Nag alinlangan pa si Ah Ki kung tatanggapin niya ba ito.


"Anthony Oswyn Anderson", he introduced himself so I suddenly stopped. All these years that I know him, this is the first time I heard him say his name to someone. Even I doesn't know his full name. Before pinapakilala niya lang ay 'Oswyn' at sasabihin niyang siya ang owner ng kumpanya niya. I thought ayaw niya lang talaga ipakilala ang sarili niya sa iba ngunit ngayon full name na niya ang sinabi niya kay Ah Ki. I felt betrayed all of a sudden.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now