CHAPTER 42

30 4 0
                                    



I woke up because of Ah Ki. She greeted me with a smile on her face, I just smiled and then got up and drank water and then went straight to CR.


"Wala kang pasok?", tanong ko habang naliligo, pasigaw ko iyong tinanong sa kanya. Nabanggit niya na umalis na daw siya dun sa trabaho niya bilang secretary at bumalik sa pagiging Engineer. Natuwa naman ako dahil dun dahil hindi na niya makakasama yung masungit niyang amo na feeling alam ang lahat.


"Oum, besides, alam kong kailangan mo ako ngayon", batid kong nakangiti siya habang sinasabi iyon kaya napangiti din ako. "Ano nga palang plano mo? Nalulungkot ako, mawawalan nanaman tayo ng dalawang kasama", biglang lumungkot nga ang boses niya kaya natawa ako ng palihim.


I suddenly remembered what Haruki and I had talked about last night, minsan lang kami mag usap ng ganun simula nung maging doctor siya. Naging sobrang busy kasi siya at halos wala ng time para matulog. Si Natsumi naman ay umalis na. Nag iwan lang siya ng notes na naglalaman ng mga paalala para sa amin, sinabi niya ding nabalitaan niya yung nangyaring pag re-open sa kaso at handa din siyang bumalik kapag kailangan.


I don't know what Natsumi is up to, all I know is that she's an Engineer there because that's what she's telling us. Masyado siyang busy noong umuwi siya dito kaya hindi din ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya, ewan ko lang dun sa dalawa.


I'm just wearing simple clothes right now since I will just talk to my Secretary about what I asked her to do. Ah Ki also said she would come to the company so I started my day with a bright face.


Nang makalabas ng bahay ay nauna pa si Ah Ki sa aking sumakay sa sasakyan ko. Kunot noo ko naman siyang tinignan at nilibot ang tingin, nagtaka pa ako nang makitang wala ang sasakyan niya. Mabilis akong sumakay sa driver's seat at humarap sa kanya.


"Where's your car?", tanong ko.


"Binenta ko na", sagot niya na tila normal lang ang pagbebenta ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko sa sagot niya na yun! Mahal niya ang sasakyan niya dahil yun ang pinaka unang sasakyan na nakapangalan sa kanya, kaya nagulat ako nang malaman na binenta pala niya.


"Why? I thought you love that car?", pinaandar ko na ang sasakyan matapos sabihin iyon. Natawa lang siya saka umiling, hindi na ako nagtanong pa. Baka may sarili siyang rason doon.


When we arrived at the office we were greeted by my employees. Pinagtinginan pa si Ah Ki dahil minsan lang siya pumunta dito. Ang ganda niya din ngayon so I won't be surprised if someone secretly likes her here.


"Nakakailang naman tingin ng mga tao, hindi naman ito ang unang beses na pumunta ako dito ah", natatawang bulong niya sa akin habang naglalakad patungo sa elevator.


"Masanay kana, ganyan din ang reaction nila noong si Haruki ang pumunta".


"Nakapunta na dito si Haruki?", gulat na aniya.


"Yep. Once, may hiniram ata siyang gamit noon sa akin tapos dito niya binalik". Tumango naman siya matapos kong sumagot.

Never Be ApartWhere stories live. Discover now