Kabanata 22

96 16 3
                                    

"Gusto kita"

"Ulit"

"Gusto ki-"

"Wrong tone."

"Gusto kit-"

"Yves" muling putol ni Kristal kay Yves sa linya na sasabihin nito.

Kanina pa sila nag-eensayo ng mga linya ni Yves at nasa parte ulit sila na aamin yung bidang lalaki doon sa babae. Sa totoo lang kanina pa nahihirapan si Yves, ilang beses niya kailangan ulitin para makuha niya yung tamang pag arte.

Tumalon na sila sa ibang scene ngunit ngayon na bumalik sila sa parteng ito, hindi nanaman sila makausad.

"It's too bland, hindi mo ba kayang lagyan ng emosyon? Have you never fell in love?" tanong ni Kristal.

Tinitigan lang siya ni Yves kaya bumuntong hininga siya. "This is why I said you should have said no in the first place, wala kang talent sa pag-arte, acting is not for you."

Ouch, medyo masakit, ah, sa totoo lang kanina pa nakakatanggap ng panglalait si Yves kay Kristal at masasabi niya, triple yung sakit dahil ni isang beses hindi siya bumahing.

Alam niya tuloy na hindi siya nilalait ni Kristal dahil lang may sama ito ng loob sa hindi niya pag-attend sa practice nila. Sadyang hindi talaga siya para sa pag-arte.

"Can't you adlib at this part?"

"I'll try" sagot ni Yves at tumikhim.

"Gusto-"

"I said adlib, bakit nakatingin ka pa din sa script mo?!" inis na asik ni Kristal.

Natahimik si Yves, binaba niya ang script at hinagod ng tingin si Kristal na nakasandal sa lamesa sa baba ng stage.

"Help me then."

"What?"

"I mean, kailangan ko ng dialogue, read the other line."

Tinignan ng masama ni Kristal si Yves kaya muli itong nagsalita. "Please?"

"Fine, bumaba ka diyan" sabi ni Kristal kaya bumaba si Yves at hinarap si Kristal.

"Okay, go."

Bumuntong hininga si Yves, ginala niya ang mata at nakita niya ang bulaklak na pinadala ng admirer ni Kristal sa lamesa na kinauupuam nito ngayon.

Tang ina, buti pa 'yang M na 'yan.

"What now, Yves?" inip na tanong ni Kristal sa pananahimik ni Yves.

It's true that Yves is bad at acting but her irritation is combination of that and him consistently not attending their practice.

Tumikhim si Yves at inabot kay Kristal ang script. Tinitigan naman iyon ni Kristal at handa ng basahin ang dialogue niya.

Tinitigan maigi ni Yves si Kristal at muli tinignan ang bulaklak sa tabi nito, paulit ulit siyang ganoon bago niya maalala ang sinabi ni Kristal noong nakaraan.

First step is half of the process.

"Yves, nagiintay ako" may inis sa tono ni Kristal ngunit ang tingin nito ay nasa script padin.

"Yes, yes, sisimulan ko na!" tarantang sagot ni Yves. Bumuntong hininga siya.

"G-gusto k-kita"

Binasa ni Kristal ang nasa script. "Bakit mo naman ako magugustuhan?"

"Um, a-ano bang hindi magugustuhan sayo?"

"What, what I mean is..." Damn it, Yves, umayos ka!

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon