Kabanata 18

132 18 2
                                    

Wala namang ginagawang masama si Markus, ngunit kulang nalang ay hilahin siya ni Yves palayo kay Kristal, ngunit dahil hindi magawa ni Yves, ay tinitigan niya lang ito habang pinangigigilan ang paper cup niya na wala ng laman.

Kung nakakamatay ang pagtingin ng masama, hindi malayong sabihin na malamang sa malamang, kanina pa dapat nakabaon sa lupa si Markus.

Bumuntong hininga si Yves bago magsimulang linisin ang kinainan nila. Wala siyang ibang magawa dahil hindi niya naman siya makasingit sa usapan ni Kristal at Markus tapos, ayaw siyang patulungin ng ibang grupo sa ginagawa nila. But he came here with the pretext of trying to help that's why he can't just sit still, it would be fine if Kristal is talking to him but that is not the case right now.

"Yves, ikaw ba, pwede ka sa Saturday?" tanong ni Kristal kay Yves kaya napatigil siya sa pag pulot ng kalat.

Liningon niya ang dalawa. "This Saturday?"

"Yeah, isho-shoot kasi natin yung poster"

"Ayos lang naman, mag papaalam ako kay coach"

Bumalik si Yves sa pagpupulot ng kalat pagkasagot kay Kristal, mas gusto niya dito ibaling ang atensyon kesa kay Kristal at Markus.

Hindi pa nakakakalahati ng paglilinis si Yves ay may isang tao na nagtapon ng kalat sa hawak niyang basurahan. Tingnan ni Yves si Kristal na tinutulungan siya at tinignan niya Markus na may kausap ng iba ngayon.

Ibinalik ni Yves ang tingin kay Kristal na papalapit sakanya at may hawak na basura sa magkabilang kamay.

"Paki bukas"

Tulalang sumunod si Yves sa sinabi ni Kristal at binuksan ang hawak na basurahan. Pagkatapos magtapon ay bumalik si Kristal sa pagpupulot kaya ganoon din ang ginawa ni Yves.

Paulit ulit na lumapit sakanya si Kristal para magtapon ng basura hanggang matapos sila ngunit hindi siya nito kinausap o ano man.

"We're done" sabi nito pagkatapos itapon ang huling kalat at pinagpag pa ang kamay.

Walang imik na tinali ni Yves ang basurahan. He don't feel like talking to her. Isa pa, hindi naman sila parehas ng interes ni Kristal kagaya ni Markus.

Tsk, naiirita si Yves pag naiisip niya na kanina ay parang siyang hangin na hindi nakikita dahil sobrang abala si Markus at Kristal. Inis siyang naglakad sa basurahan at tinapon ang kalat.

"May alcohol ka, Yves?" tanong ni Kristal pagbalik niya kung nasaan ang mga bag nila.

Tinignan niya si Kristal na nakaupo sa lapag at nakasandal sa pader, wala siya sa wisyo pansinin ito ngunit...

"Wala" maikling sagot niya at umupo din sa lapag, mga isang dipa ang layo kay Kristal.

Ngayon parehas silang nakaharap sa mga kaklase na abala padin sa ginagawa.

"Ako meron!" sabi ni Kristal at nilabas ang spray ng alcohol. "Give me your hands"

Hindi sumunod si Yves kaya si Kristal na ang lumapit sa lalaki at kinuha ang kamay nito at nag-spray ng alcohol. Tinitigan ni Yves si Kristal.

"Nanalo kayo sa laro pero hindi 'yan ang mukhang nanalo."

"Are you tired?" tanong ni Kristal at tinignan siya dahil tapos na nitong spray-an ang kamay niya.

Yves did not answer, he looked at her motionless. He knows he's being unfair for giving Kristal a cold treatment on something he had no right, but he can't help it! Nagseselos siya! Kahit walang karapatan, nagseselos siya at naiinis siya sa katotohanan na walang pinagkaiba ang trato ni Kristal sa kanya at sa iba.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon