Kabanata 27

93 16 2
                                    

To those unfamiliar, HIMBO means attractive unintelligent men.  Examples according to google are: Thor, Captain America, Kristoff from Frozen, etc.

Library date my ass! Hindi matanggal ni Yves ang pagkalukot ng ekspresyon habang pinapanood si Markus na tinuturuan ni Kristal.

Inis na binasa niya ang libro. At times like this, how he wish he couldn't understand the review materials too.

"Ugh" tumayo si Star at umunat. "Guys, nagugutom kami ni Ria, may papabili kayo?"

Tumingin sa orasan si Janus, seven o'clock na, hanggang nine bukas ang library, ngunit...

"Uuwi na ako, sasabay ako sa paglabas" sabi nito, niligpit ang gamit at bumulong. "Hindi ako makakapag-review pag nanatili pa ako dito."

"Ikaw, Mark?" tanong ni Maria.

"Sige, sasabay nadin ako sa paglabas, may gig ako ng ten, e."

Niligpit din nito ang gamit habang si Maria at Star naman ay tinanong si Kristal at Yves kung may papabili.

"Chocolate saakin" sabi ni Kristal.

"Coffee" sagot din ni Yves.

"Okayyy, lalabas lang kami sandali" sabi ni Star at bumaling sa mga kasama.

"Let's go."

Naglakad si Maria, Star, at Janus palabas ng library. Samantala bago tuluyang umalis ay tumingin si Markus kay Kristal.

"Thanks, Kris. How about I treat you?"

"Sus, parang 'di naman kaibigan" biro ni Kristal.

"Uh, maski na. Bili, lilibre kita."

Napamaang si Yves, sa pagkakaalala niya, ang sabi ni Markus ay wala itong gusto kay Kristal, bakit may pamumula? Is he hitting on Kristal?

"Okay, sige I'll text you."

"Sumunod ka na doon sa mga kasabay mo."

"Okay. Bye, Kris."

"Bye, Dos" oh, napansin mo ako? Pinigil ni Yves ang inis at tinanguan nalang ang kaibigan.

"Bye" kumaway si Kristal kay Markus na patalikod ang lakad at ang laki ng ngiti.

Nang makalabas sa library at mawala sa tanaw nila si Markus ay hinawakan ni Yves ang kamay ni Kristal na kinakaway.

Liningon siya ni Kristal. "What?"

Hindi sumagot si Yves, ang tingin nito ay nasa magkahawak nilang kamay kaya napatingin doon si Kristal. Nang mapagtanto ni Kristal ang sitwasyon nila ay sinubukan niyang hilahin ang kamay ngunit humigpit ang hawak ni Yves doon bago siya tignan.

Nagsalubong ang tingin nila, pinigil ni Kristal ang paghinga. Ganitong ganito yung pakiramdam niya noong nasa auditorium sila... nilalamon siya ng kaba.

Bukod sakanila ay may iba pang estudyante sa loob ng library, kung nakatingin ba sila o hindi ay walang pakialam si Kristal, ang iniintindi niya ay ang malakas na kabog sa dibdib niya dahil sa nakakatunaw na titig nito.

Sinubukan niyang magsalita ulit. "Sa-sabi ko, what?"

"Want to go on a date after exams?"

"Su-" kumurap si Kristal ng ilang beses bago bawiin ang kamay. Shit! She almost said yes because of those eyes!

Ngumisi si Yves sa reaksyon niya. "Did you say sure?"

"No!"

"Why not?" nagmamaktol na sabi nito at bumulong pero sapat para madinig ni Kristal. "You agreed with Mark but not me?"

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon