Kabanata 4

185 25 12
                                    

"Sorry, hindi ko talaga alam na ikaw si Dos," naaiilang na sabi ni Kristal, pangalawang beses niya ng sinabi na hindi niya ito kilala.

"No it's fine, bakit mo pala ako hinahanap? May bagong assignment ba?" tanong ni Yves habang inaalis sa tray ang pagkain nila.

Kasalukuyang silang nasa isang fast food chain para maghapunan, 6:30 naman na dahil inintay pa ni Kristal na matapos ito sa pagligo. Kasama din nila ngayon si Alexander. Nasa iisang side ng lamesa ang dalawa habang kaharap si Kristal.

"Ayos lang, Alexander won't mind," sabi ni Yves dahil napansin niya ang tingin ni Kristal sa kaibigan. Tumango tango naman si Alexander bilang pag sang-ayon dahil may laman ang bibig niya at hindi siya makapagsalita.

"Well this is an organization matter at sa department ka ng accountancy, pero sabi naman ni Yves ay mapagkakatiwalaan ka, then sasabihin ko na."

"Sabi ng officers, tanungin daw kita kung gusto mo lumaban sa pageant at maging Mr. Ambassador."

"Ate Lara said na ang org. daw ang bahala sa lahat ng gagastusin, from costume to make-up, you just need to be there."

"Sinong lalaban na Ms. Ambassadress?"

"Si Tanya Argueles," napatango si Yves, Tanya is really beautiful, siya ang naging muse ng basketball team last year sa interscholastic.

"Can I think about it first?"

"Sure no pressure," sabi ni Kristal at sinimulan kainin ang fries at ice cream na pinabili nito, habang nakatingin sa phone.

Natahimik silang tatlo sa pagkain. Ngunit nagsalita si Kristal pagkatapos mag-type sa phone. "By the way, Yves, why do they call you Dos?"

"It's my shirt number at mula sa apelyedo kong Mercado, Dos"

"Oh cool, but Yves is prettier."

"Yeah."

Napatingin si Alexander sa kaibigan dahil sa maikling sagot nito. Napamaang siya ng makita ang namumulang mukha ng kaibigan, what the fuck? Is this real? Ang gagong kaibigan ni Alexander na hindi tinatablan ng papuri ay namumula ngayon dahil sinabi ng isang babae na maganda ang pangalan niya!

Tinignan ni Alexander si Kristal na sinasawsaw sa ice cream ang fries, wala lang sa babae ang sinabi. Napatango si Alexander, yep, she's not flirting. Which is strange, dalawang nagwagwapuhang lalaki ang nasa harap ngayon ni Kristal at libreng libre siyang harutin ang nga ito pero hindi niya ginagawa.

Maybe she swings the other way? Kung totoo ang iniisip ni Alexander, kawawa naman ang kaibigan niya.

But maybe not? Siguro hindi niya lang kami type? Let's try find out more.

"Kris, dinner mo na 'yan?" tanong ni Alexander.

"No."

"Then why did you not buy heavy meal?"

"Well, magluluto ang nanay ko mamaya, so ayaw ko na feeling bloated para makakain pa ako mg mad-"

"OMG, sorry, sorry!"

"ACHOO!"

Kasabay ng pagpunas ng babae sa natapong softdrinks sa napatayong si Kristal ay ang bahing ni Yves. Napatigil sila ni Alexander sa kinakain at pinagtitinginan na sila ng ibang costumers.

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya."

"ACHOO!"

Tinignan ni Yves ang babae na punupunasan ang damit ni Kristal. Pinupunasaan niya, oo. Pero ang tingin niya ay nasa dako nila ni Alexander.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon