Kabanata 32

85 10 4
                                    

"Kris, umamin ka nga, ano 'yung nababalitaan namin sa mga kaklase natin?"

Oras ng tanghalian, kababa palang ni Kristal ng dalang pagkain sa isa sa lamesa ng canteen ay binungaran agad siya ng tanong ni Star.

Umupo siya at binasa ang note na nakakabit sa kape niyang dala. Pasimpleng iyong binigay ni Yves sakanya kanina bago matapos ang huling subject bago ang lunch.

Can't have lunch with you but enjoy! -2

"Anong balita?"

Walang pakialam niyang tanong habang inalis niya ang note at nilagay sa wallet. Pagkatapos ay pinasok ang kape sa bag dahil bihira siya uminom ng kape.

"May something sainyo ni Dos?"

Hawak na ni Kristal ang kutsara ngunit hindi niya nagawang sumubo at napatingin kay Maria, na kusa naman nagpaliwanag.

"Sabi ng classmates natin, may gamutan daw na nagyari sa audi noong isang araw, lumabas kami 'diba?"

"We just want to confirm Kris."

Tinignan niya ang dalawa na iniintay ang sagot niya. Ngumiti siya sa nga ito. There's no use in hiding, they'll find it later on. Lalo na at planong sagutin ni Kristal si Yves.

"Well remember that admirer, two?"

Tumango ang dalawa. Anong connect?

"He's Yves."

Parehas napanganga ang dalawa at hindi makapaniwala. Alam nilang inaasar nila ito kay Yves pero hindi nila akalain na magiging totohanan.

Sumubo naman si Kristal ng kinakain habang ninanamnam ang ekspresyon ng mga kaibigan at nagbilang.

And the winner is...

"Sabi ko na nga ba, e!" Ria!

Unang nag-react si Maria habang nakatulala padin sakanya si Star.

"Noong nasa org. room palang kayo na gumagawa ng costume, may iba na!"

"Partner din kayo sa dalawang major natin."

"Tapos nung isang seminar na iniwan ka namin, magkasama kayo!"

"Ang it's number two because he's known as Dos!"

Parang imbestigador si Maria at iniisa isa ang mga "clues". Natigil lang siya ng magsalita si Star.

"Iba ka, Kris!"

Bago muling kumain ay tinignan niya ang dalawa. "Just so you know, I'm also starting to like him."

Nginisian lang sila ni Kristal na may halong angas at kinain ang dapat kainin. Nagkatinginan si Star at Maria, inaasahan nilang mag pa-panic si Kristal sa nararamdaman. Well, to be fair, Kristal did panic when she realized she's falling but they are days late for that.

Na co-conscious din si Kristal kapag kasama si Yves pero ngayon ang nakikita lang nila ay ang confident at matapang na kaibigan nila. Completely unbothered. Napangiti ang dalawa, yeah, this is Kristal Panghilinan.

"But how about Mr. M? Manok ko pa naman 'yun."

Biro ni Star at nagsimula nadin kumain.

"Well, nagpapadala padin siya ng random gifts. I appreciate it."

"Pero ano bang laban niya kay Yves na harap harapan akong hinabol, 'diba?"

Nag hugis "o" ang bibig ng dalawa niyang kaibigan.

"Mag kwento ka naman, Kris. Last time halos piling pili ang sinabi mo, e" excited na sabi ni Maria.

Oo, noong unang nagkwento siya ay pinili niya ang sasabihin dahil baka makilala ng mga ito na si Yves at Two ay iisa. Dahil una, wala siyang planong sagutin si Yves ayaw niyang asarin ito ng mga kaibigan, at pangalawa, ayaw niyang masulsulan siya ng kaibigan sa sariling emosyon. Lalo na't napakagaling mangumbinsi ng dalawa kapag magkasama.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon