Kabanata 14

165 19 8
                                    

Friday, 3pm and supposedly, Kristal have no classes. Ngunit nandito siya, sa labas ng eskwelahan at iniintay si Markus.

"Kris"

"Hey" bati ni Kristal sa hinhingal na si Markus, mukhang kagagaling lang nito sa klase.

"Alam kong bukas pa dapat tayo after seminar, pero may biglaan akong gig bukas, sorry"

"No, it's fine"

"'Lika na? Saan tayo?"

"Sa milktea shop nalang tayo" sabi ni Markus at marahang hinila si Kristal.

**********

"So, happy ending o tragedy?" tanong ni Markus.

Apat na oras ang lumipas at nasa dulong parte na sila ng kwento. Ang kwento nila ay may genre ng romance thriller.

Naipasok nadin ni Markus lahat ng kanta na babagay sa linya. Pero plano niya pang i-modify at remix yung iba.

"Well, bakit hindi natin tanungin si miss? Kaya ko naman gawan parehas tapos hanapan mo nalang ng pang ending na kanta" mungkahi ni Kristal.

"Fine with me"

"Okay, sa bida na tayo"

"Para sa female leads, it will be Tanya and Trina, right?" tanong ni Kristal, tumango naman si Markus at nagsulat sa notebook niya.

Sa totoo lang, ginawa nila ang kwento ng nakabase sa mga kaklase nila. Tanya and Trina are popular twins that had their own charms. Tanya is a beauty queen enthusiast while Trina is a performer.

"Para sa male lead?"

"Sino pa ba, si Dos na!"

"Sure ka, Mark, 'diba, busy 'yun a interscholastic?"

"Then, let's ask him, pag hindi ako nalang" biro nito, napangiti naman si Kristal.

"Why not? Ang may itsura ka din naman kaya, saka mas magaling ka kumanta kay Yves"

"Sus, nambola pa" sabi ni Markus.

Bumungisngis silang dalawa bago nagtuloy nag paga-assign ng roles. Maski mga tao na magiging in-charge sa props ay nag-assigned na din sila.

"Patingin ako ng list mo, Mark, ah? Hindi ko kasi kilala yung iba mong classmate"

"Sure, mag c-cr lang ako" sagot nito at inabot ang journal nito bago tumayo.

Tinaggap iyon ni Kristal at sinimulang i-type ang mga pangalan na wala sa list niya sa laptop.

FWIP

Natapos na siya ngunit nalaglag ang notebook ni Mark, nalaglag doon ang mga papel. Kaya't lumuhod siya sa at isa isa iyong dinampot. Quizzes na nakalagay sa one fourth paper, sa lengthwise, saka mga nakatiklop na yellow paper na may lyrics. Pero isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ni Kristal. Pinulot niya iyon.

"Kris, ayos ka lang?" biglang sulpot ni Markus at tinulungan siya sa pagpupulot.

"Sorry, nalalag ko" paumanhin ni Kristal, umiling naman si Markus.

"It's fine"

Kinuha nito sa kamay ni Kristal ang mga papel at inipit muli sa pagitan ng pahina ng journal niya. Sabay silang umupo sa upuan.

"Mark, what's this?" tanong ni Kristal at ipinakita ang kulay asul na flyer, kasing laki ng one fourth paper at may mukha ni Star.

It's actually a flyer made for Star's candidacy when she ran for the position of secretary of student body in the start of school year. Hindi siya nanalo dahil nagkaroon ng maliit na aksidente nung araw ng debate at hindi siya nakarating.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon