Kabanata 28

90 16 4
                                    

"Wag na kayo sumimangot" sabi ni Kristal sa mga kaibigan.

Sabay siyang tinignan ng dalawa na akala mo iiyak na. Tapos na ang pre-finals, pero ang iniiyak ng dalawang kaibigan niya ay hindi dahil sa hindi sila pumasa kung hindi...

"Pagkatapos nalang ng dry run nalang kayo mag-celebrate."

Anniversary ng dalawa ngunit nakaligtaan nila sa dami ng ginagawa kaya't ngayon ay kasabay ito ng dry run ng play nila. Ang tanging nagawa ni Kristal ay baguhin ang oras para may oras pa yung dalawa na makagala. Sa kabutihang palad, pumayag naman ang kanilang guro.

"Sige na, Star, Ria, kilos na ng matapos na tayo" utos niya, binura naman ng dalawa ang pagkasimabgot at nakihalubilo.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating si Miss Montecillo at sinabihan ng pwede na sila magsimula.

Nagsimula naman ang dry run nila, si Markus ang sumenyas sa lahat habang nanatili naman si Kristal sa gilid ng stage para makatulong sa tuwing kailangan magpalit ng mga actresses nila.

Ang pamagat ng play nila ay "Pandora Identity." Ang bida ay si Michael na ginaganapan ni Yves at nahulog kay Francine na ginaganapan ni Tanya, at ang unang scene at aamin si Michael kay Francine pagkatapos ng sampung taon na muli silang magkita sa trabaho.

Pagkatapos ay magkakaroon ng flashback sa high school life nila, tapos babalik sa present at babalik ulit sa flashback. Doon unti unting makikita na may kakambal si Francine... si Francesca na ginaganapan ni Trina at doon nahulog si Micheal.

Kaya nga may linya doon sa script na tinanong si Michael kung anong nagustuhan niya kay Francine ng umamin ito tapos lahat ng idadahilan niya ay mga characteristics ni Francesca.

"Gusto kita" nakangiting sabi ni Micheal.

Ito ang senaryo bago mapunta ang play sa unang flashback. Tinitigan ni Kristal ang nangyayari mula sa gilid, napakapamilyar ng senaryo na ito, ilang ulit nila binalikat ito ni Yves dahil hindi niya makuha ng may emosyon pero ngayon, nakuha naman.

"Bakit mo naman ako nagustuhan, Michael?" litong tanong ni Francine.

Tumitig si Michael kay Francine, kung titignan mula sa baba ng stage, nakatingin si Micheal kay Francine. Ngunit mula sa gilid, alam ni Kristal na sakanya ito nakatingin.

"Alam mo, Francine... I'm not a romantic person but I kid you not, kapag kasama kita, mas maliwanag yung tingin ko sa mundo."

"Kapag kasama kita, hindi ko namamalayan ang oras."

"Sa tuwing ngingiti ka pakiramdam ko magiging ayos lahat."

"I like you... I really do."

Kristal, I like you, I really do.

Natulala si Kristal, ang nakikita niya ngayon ay hindi ai Michael na karakter sa Pandora's Identity, kung hindi si Yves. Nag e-echo sa tenga niya, hindi ang dialogue nito kung hindi ang pag-amin nito sa kanya sa auditorium noong nakaraan.

Nagsimula gumulo ang paligid ni Kristal dahil tinutulungan na nilang mag-palit si Tanya ng damit para sa unang flashback. Hindi alam ni Kristal kung paano natapos ang dry run dahil buong oras ang iniisip niya lang ay ang kumakabog niyang dibdib.

Sinubukan niyang mag-concentrate sa kalagitnaan ng pagtatanghal ngunit tuwing makikita niya si Yves ay hindi siya mapakali.

Tinanong pa nga siya ng ibang kaklase kung ayos lang siya dahil namumula daw siya. Sinabi niya na ayos lang siya ngunit sa huli pinaupo siya ng mga ito sa isang gilid para magpahinga. Ngunit kesa sa pahinga lalo siyang binulabog ng mga iniisip.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon