Kabanata 31

94 17 4
                                    

Kristal once said that Yves shines the brightest when he's holding a ball. Pero ano bang nangyari?

Tuwing nag pa-practice sa play, tuwing kumakain, nag-uusap, maski nga kapag makakasalubong niya ito sa corridor o sa hagdan, nagliliwanag ito. Akala mo may halo ng anghel na nakasunod dito. What the hell?!

Ganito ba kapag tinamaan ka ni kupido? Yep, Kristal already admitted it to herself, she's starting to like Yves in that sense. Wala silbi na tumanggi pa. Ngunit hindi niya aasahan na ganito!

Naco-conscious siya sa tuwing nandyan si Yves, hindi man halata, pero naco-conscious siya! Sobra!

Habang naglalakad palabas ng school ay may tumabi kay Kristal. "Gala tayo?"

Mula sa boses ay alam niyang si Yves iyon. Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"It's late, saka may pasok tayo bukas."

Tama, alas dies na at katatapos lang nila ng ensayo ng play. Kasalukuyan ngang nasa harapan niya ang mga kaklase sa paglalakad palabas. Iilan nalang sila dahil nauna ng umuwi ang iba ngunit kung mag salita si Yves ay silang dalawa lang ni Kristal lang ang makakarinig.

Ngumuso si Yves. "Grabe, pagkatapos kitang sunduiin nung nalasing ka, punatuloy pa kita sa condo ko."

"Saka hindi pa nga tayo natutuloy sa 70s, e."

"Tapos, pasok kaya yung team namin sa finals, hindi mo man lang ako samahan mag-celebrate."

Akala mo ay bata ito na nagmamarakulyo.

Nang makalabas sila ng eskwelahan ay sumama rin si Kristal hanggang terminal ng jeep.

"Bye, direk."

"Bukas ulit, direk."

"Ingat ka, direk."

"Bye guys, ingat din kayo" 'yan ang sagot ni Kristal sa bawat nag paalam sakanya.

Unti unti ay nakasakay lahat ng kasama nila, hanggang sa dalawa nalang sila ni Yves natira. Tinignan niya ito.

"Ano, hindi ka sasakay? Uuwi na ako."

Hindi sumagot si Yves kaya naglakad si Kristal papunta kung nasaan ang kotse niya. Sinundan siya ni Yves.

Bago siya sumakay ay tumingin siya kay Yves. "Ano na?"

"Ang daya mo talaga, Kristal. Minsan la-"

"I mean, hindi ka sasakay?"

Napatigil si Yves sa pag papanggap na tampo. Sa totoo lang, kaya niya ito sinundan ay dahil gusto niya makita na umalis ang sasakyan nito.

Alam niya namang gabi na at kahit ayain niya ito ay hindi ito papayag, naglalambing siya, pero... "Sasakay?"

"Kaya ka sumunod 'diba? Saan mo ba gusto? O nagbibiro ka lang?"

"No! No! Let's go!"

Nagmamadaling sumakay si Yves sa passenger seat kaya't nakangiting sumakay na din si Kristal.

*********

Mall of Asia, dahil pasado alas onse na, sarado na ang mall, pero nandito ngayon si Yves nakaupo sa tabi ng dagat na hindi niya naman makita.

Sarado na din ang amusement park pero nanatiling maaliwanag dahil sa mga lamp post. Marami rami ding tao, naglalakad pauwi, bumibili ng street foods, at ang iba katulad niya ay nakaupo sa by the bay na bato.

"O!"

Wala sa sariling tinanggap ni Yves ang binili ni Kristal na midnight snacks nila. Ayaw pa maniwala ng utak niya na pumayag nga si Kristal na gumala kasama siya ng ganitong oras. Pero sabagay, umiinom nga sila ng ganitong oras, e.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon