Kabanata 36

104 11 5
                                    

Mikael learned to love. Maski si Markus ay napansin na ang basagulero niyang kapatid ay nabawasan ang pakikipag-away. Tumino ito ulit, unti unting bumalik sa pagiging overachiever ang gago kahit na paminsan minsan ay nakikita padin ni Markus may bangas sa mukha at kasama padin ang mga basag ulong mga kaibigan. Masasabi niyang medyo bumalik ito sa dati.

Magkaiba sila ng eskwelahan kaya't hindi niya alam ang nangyayari dito pero sa opinyon niya may magandang ang nararanasan ng kapatid. Kaya't hindi niya inusisa. Hindi nagtagal ay may pinakilala itong bulag na babae, maganda, maputi, at hindi makabasag pinggan, Stella.

Unang beses makita ni Markus na masaya ang kapatid ng walang kapalit kaya't sobrang suportado niya ito, ilang beses niya din ito nakasama at alam niya na magkakaroon ng masayang pamilya ang dalawa.

Pero iba din ang laro ng tadhana. Isang araw habang nasa practice ng banda ay tumawag sakanya ang ospital, naaksidente ang kapatid niya. Mikael got concussion and bruises but he's fine but Stella... Stella died.

Nang magising si Mikael ay wala itong maalala pansamantala ngunit ang una nitong hinanap ay si Stella na hindi naman niya maalala. Pagkalipas ng ilang araw, nang maka-recover ito, umiyak ito sa kay Markus habang sinisi ang sarili. Markus saw Mikael's world that is barely being whole again get shattered. Nag-drop out at bumalik ito sa pakikipag-away na halos pwede niya ng ikamatay, maski mga kaibigan nito pinipigilan na siya.

That moment, he knew, Mikael needs professional help. Pero ng malaman ng magaling nilang magulang, pinigil siya. Kaya't napagdesisyonan ni Markus kuhain ang course na psychology kahit ang plano niya ay maging musikero. If the world can't help his brother he would try to.

Sa eskwelahan, doon niya nakilala si Star... Star is the exact replica of Stella, the only difference is that she can see. Dito nagsimula ang pagkakamali ni Markus, sinubukan niyang papuntahin si Mikael sa eskwelahan nila, pumunta ito at sinigurado ni Markus na makikita nito si Star.

It was effective. Nabawasan ulit ang pakikipag-away ni Mikael at tuwing may seminar sa school ay ito ang dumadalo para kay Markus. Whole freshmen year, they've done that. Maski mga flyers ni Star noong tumakbo sa student council ay itinago ni Markus para kay Mikael.

Everything was fine until Kristal said to Markus that some admirer is giving gifts. Naghinala na si Markus na may ginagawang katarantaduhan ang kapatid niya dahil madalas itong lumabas, pero hindi niya pinansin. But now they're here.

"Star" pabulong na sigaw ni Markus kay Star. Kailangan nilang tumakas!

"Star! Star!"

Sinipa niya ang upuan nito para magising. Pungas pungas naman si Star na dinilat ang mata. Sumalubong sakanya ay ang nakataling si Markus, naka-pajama katulad niya. Napamaang siya, sa naalala niya, si Markus ang huli niyang nakita at ito din ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay.

"Gising ka na ba?"

Tumango si Star. "Markus?!"

"Oo, ako 'to."

"Nasaan tayo?"

"Nasa bahay ko tayo... my brother, he kidnapped you."

Medyo nag-loading ang utak ni Star. "Kakambal ba yung kapatid mo?"

"Yeah"

"I'm sorry" paumanhin ni Markus.

Pinakiramdaman siya ni Star, mukhang sising sisi ito. Kalmado at ng aalong nagsalita si Star." It's fine."

"No, Star, may kasalan ako kaya ka nandito, kung sana pi-"

"Wait, hindi ito ang oras para magsisihan, kailangan natin tumakas!" putol ni Star dito.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon