Kabanata 29

86 15 3
                                    

"Hahhh!"

Binaba ni Kristal ang basong walang laman na alak. Sabay siyang tinignan ni Alexander at Janus.

Nagsisimula pa lang kami! Ano bang ginagawa ni Kris?

Did she just straight the whole glass?

Nagpalitan ng tingin ang dalawa at akala mo nagtuturuan, sa huli si Alexander ang nagsalita.

"Kris, may problema ba?" may halong pag-aalala nitong tanong.

"Yeah, a big one."

Nagsalin ulit si Kristal ng alak mula sa beer tower pero bago pa man niya iyon mainom ulit ay pinigilan siya ni Janus.

"Stop!"

"Kesa sa pag-inom bakit hindi mo sabihin kung anong problema."

Tinapik ni Kristal ang kamay ni Janus na hawak ang pulsuhan niya. "Sasabihin ko pero, intayin natin si Mark, I need advice" sabi nito at tinunga ulit ang baso.

"Pero, Kris, kalmahan lang natin, o?" sabi ni Alexander at inilayo ang baso ni Kristal na akmang sasalinan nanaman nito mula sa beer tower.

"Hindi ka na makakapag-kwento kung wala ka sa wisyo."

Tinignan siya ni Kristal bago tumango, inabot naman ni Alexander ang baso nito. Tinignan sila ni Janus at napailing. He was here because he felt like he will see something entertaining. But he had no plans babysitting. Kung tutuloy ang ganito, uuwi na siya pagkatapos ng dalawang baso.

Lumipas ang isang oras at may umupo sa tabi ni Kristal. "Lasing na kayo?"

"Tapos ka na?" tanong ni Alexander kay Markus.

"Hindi, pero break time namin ng isang oras."

Bumaling si Alexander kay Kristal. "Ano na, Kris?"

Tumawa si Markus. "Madaling madali?"

"Just so you know, Mark, nakaka-limang baso na si Kris sa pag-iintay."

Nanlaki ang mata ni Markus sa sinabi ni Alexander na tinanguan pa ni Janus sa gilid.

"Bakit 'di niyo pinigilan?"

"You think we didn't?" sarcastic na sabi ni Janus.

"Sinubukan kong pagkwentuhin kaso gusto kasama ka" iling ni Alexander.

Tinignan ni Markus si Kristal, wala itong pakialam sakanila at halatang may ibang iniisip. Akmang iinomin na nito ang pang-anim na baso ngunit pinigilan siya ni Markus.

"Hey, Kris, kumpleto na kami. Pwede ka na magkwento."

Tinitigan siya ni Kristal. "Kanina ka pa diyan?"

Tumango si Markus. "Magkukwento ka na?"

Inalis ni Kristal ang kamay ni Markus na pinigilan siyang uninom. "Yeah, pero last shot."

Bago siya mapigilan pa ni Markus ay nainom niya ang laman ng baso, nilapag iyon, pagkatapos ay mata sa matang tinitigan si Markus.

"Nanliligaw si Yves, 'di ba?"

"Yeah?"

"Wait! ANO?" litong tanong ni Alexander, alam niyang gusto ni Yves si Kristal pero hindi niya alam na may ligawang nagaganap!

Tapos alam ni Markus?! Nawala sa mata ni Janus ang pagkaburyo at binitawan ang pangalawang baso niya na halos wala ng laman, napangisi siya. Now this is entertaining.

"Teka nga, Kris! Baka gusto mo magkwento?! Para hindi kami out of place dito!"

Nagsimulang mag interrogate si Alexander kaya nag kwento si Kristal. Habang nakikinig ay hindi makapaniwala si Alexander, habang may aliw naman sa mata si Janus.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon