Kabanata 17

132 14 2
                                    

Midterms have passed safely for Kristal and her friends, and the same goes for the group of Yves. Ngunit walang pahinga na naranasan si Yves man o si Kristal dahil ang sumunod na linggo ay ang opening ng interscholastic sports battle at kasabay noon ay ang pagfa-finalize ni Kristal ng play na magaganap. Pinakabisado na nila ang mga lines sa gaganap.

"Kris, kanino galing 'to? Palagi kang may dalang bouquet ng bulalak tuwing makikita kita" sabi ni Markus habang nilalaro ang bungkos ng bulaklak.

Tapos na ang klase ni Kristal at Markus ngunit kasalukuyan silang nasa auditorium at kasama ang mga leader ng bawat grupo at mga napili nilang makakatulong. They are finalizing the schedule, the dance, and the props needed so that they can finally start practicing.

Ngunit ngayon ay abala ang mga leader sa kanya kanyang meeting, kaya't naiwang walang magawa si Markus at Kristal bukod sa magkwentuhan. Napapagitnaan ng lamesita at magkaharap silang nakaupo sa ikalawang palapag ng auditorium kung saan tanaw nila ang lahat.

"Ah, galing 'yan sa admirer"

"May admirer ka?"

"Bakit, do I have the look that no one will like me?"

"Um, hindi iyon ang ibig kong sabihin"

"Wag kang ganyan, sabi niya sa letter saakin noong nakaraan, crush at first sight daw ang naranasan niya saakin!"

"Wow! First sight? That's hella cool, I guess?"

"Cool? What part?"

"Ahh, ahh" sabi ni Kristal bago pa man makapagsalita si Markus. Tinignan niya ito na akala mo ay napagtaksilan siya.

"Your still intimidated with me?!"

"Medyo? I just feel like he's a one strong man, biruiin mo, nagustuhan ka niya sa first sight" sabi ni Markus na nag-quote pa sa salitang first sight gamit ang kamay.

Hindi makapaniwalang tinignan ni Kristal si Markus. Dahil palaging magkasama, marami silang napagkwekwentuhan at isa doon ay ang first impression nila sa isa't isa.

"Alam mo, ikaw, napaka mo talaga! Ang bait bait ko na nga sayo"

"Mabait ka ng lagay na 'yan, Kris?"

"Joke lang!" bawi ni Markus ng pang aasar dahil nakita niya ang masamang tingin ni Kristal.

"Mabait ka naman talaga, Kris. Hindi lang talaga mawawala ang first impression"

"Tse!" pagsusungit ni Kristal at nagsimulang mag-doodle sa papel na nakuha niya.

Binitawan ni Markus ang bungkos ng bulaklak at hinila ang papel na ginuguhitan ni Kristal. Noong una ay nakipagagawan pa ito ngunit hindi nagtagal ay hinayaan ni Kristal ang papel sa gitna ng lamesa nila. Napangiti si Markus at nagsimula din gumuhit.

"So, Kris, who's that admirer of yours?"

"M"

"M who?"

Napatigil si Kristal sa pagguhit. Ilang linggo na ang lumipas simula ng unang magpadala si M ng bulaklak sakanya pati ng ibang regalo. Pero, sa totoo lang, isinuko niya na alalhanin kung sino man si M dahil wala talaga siyang matandaan.

Binitawan ni Kristal ang lapis na hawak at bumuntong hininga. "I don't know"

"What?!" tanong ni Markus at itinaas ang tingin kay Kristal na agad niyang pinagsisihan.

Dahil naghati sila sa papel na ginuguhitan, parehas silang nakahilig pagitna ng lamesa at ngayon ay isang dangkal nalang ang paggitan ng mukha nila.

Nabato si Markus at napalunok, kinakabahan siya! Something inside his stomach is churning upside down.

"Sabi ko, hindi ko alam" sabi ni Kristal at bumalik sa pagkakayuko at pagguhit.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon