Kabanata 6

168 23 4
                                    

"Ito o yung isa?" tanong ni Kristal kay Maria.

"Tingin ko mas maganda 'to kesa doon sa isa," sagot ni Maria.

"Okay, then 'to nalang," sang-ayon ni Kristal.

Lumapit siya kay Yves na kasalukuyang nagsuot ng pinili nilang maroon three piece suit. Nasa Divisoria siya ngayon kasama si Kristal at Maria, naghahanap ng evening clothes para sa pageant.

"Pwede na 'yan Yves, hubadin mo na para nakahanap tayo ng sportswear."

"Okay," sabi ni Yves at pumasok sa fitting room para hubadin ang suit at magpalit ng uniporme ng school, palibhasa sa susunod na linggo pa ang talagang simula ng foundation week, next week padin talaga sila pwedeng mag-civillian.

Kaya nga kahit nakauniporme siya ngayon pati si Maria at Kristal, nag-Divisoria padin sila pagkatapos nito magpalit ng flat shoes.

But that is the main reason why Yves agreed with this. He wants to see Kristal in uniform so much. At sa totoo lang, kahit napaka-hassle ng ginagawa niya, wala siyang pagsisi kahit konti sa katawan. Hindi niya inakala na mapapayag ni Lara si Kristal na maging in-charge sakanya kahit hindi ito officer. Pero nagawa nito. He don't know how Lara did it but can say, he's happy about this result.

*********

"Hala, Kris, pinapatawag na ako ni Ate Lara doon sa activity na inaasikaso ko, pwede bang kayo nalang ni Dos ang maghanap ng iba pang kailangan?"

Napapayag ni Lara si Kristal na asikasuhin si Yves sa pamamagitan ng pag suhol dito na papadagdagan ang credit points sa isa sa psychology professor nila. Pero pinasamahan niya padin ito kay Maria kapag usapang pera dahil ito talaga ang officers niya pero kailangan kailangan niya talaga si Maria ngayon doon.

"Ayos lang naman, Ria. Akin na yung pera."

"Wag mo kakalimutan ang receipt, Kris," sabi ni Maria pagkaabot sakanya ng pera.

"Okay, okay."

"Bye, Kris, sabihin mo nalang kay Dos na nauna ako and yung, receipt, Kris!"

"Oo na nga, eh! Layas na!"

"Byee."

Naglakad palayo si Maria. Sinundan siya ng tingin ni Kristal, akala niya ay magdederideretso na ito, ngunit lumingon ito sakanya at kumaway. Kumaway naman din si Kristal pabalik.

Iyon ang senaryo na naabutan ni Yves pag kapalit niya. Hindi niya naiwasan mapangiti sa sa kumakaway na itsura ni Kristal.

"Saan pupunta si Maria?" tanong niya kay pagkalapit kay Kristal.

Kinuha naman ng isa sa tindera ang suit niyang naka-hanger na. Sabay nilang sinundan ang tindera sa cashier.

"Pinapatawag daw siya ni Ate Lara"

"Sir, ma'am, 1,800 po," nilabas ni Kristal ang inabot na pera sakanya ni Maria at nagbayad.

Inabot ng isa sa babae doon kay Yves ang suit niya na naka-hanger padin ngunit naka-plastic na. Tinaggap niya iyon.

"Let's go, dalhin muna natin iyan sa kotse ko bago tayo bumili ng ibang kailangan."

"Ano bang sunod?" tanong ni Yves habang palabas sila ng tindahan ng suit.

"Kailangan natin ng tela sa national costume mo tapos kailangan pa ng sa sportswear."

"Sabi ni Ate Lara saakin, boxing yung nabunot natin sa sportswear tapos sa national costume... ah!"

"Gawa daw dapat sa recycled material yung national costume. Tela lang bibilhin natin tapos sari manok yung theme," sagot ni Kristal.

"Paano 'yon Yves, may talent portion, anong gagawin mo?"

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon