Kabanata 2

208 24 13
                                    


Biyernes ngayon at ito ang araw na napagkasunduan ni Yves at ni Kristal na magkita. Ngunit hindi pa tapos ang training niya sa basketball at dahil ang paalam niya sa coach nila ay alas-tres, hindi siya makaalis kahit gustong gusto niya na.

Tumalon siya mula sa three point line at hinagis ang bola, at ano pa bang aasahan? Dos man ang palayaw ni Yves, hindi siya kailanman sumablay sa tres.

"Water break," sigaw ng coach nila kaya't dali daling tumakbo si Yves sa duffel bag niya at kinalkal iyon. Kinuha ang phone para tignan ang oras.

2:30? Yves never realized the time whenever he's holding a ball. Pero bakit parang napakabagal ng oras ngayon?

Bzzt!

Nag-vibrate ang phone niya dahil sa isang text message na dumating. Napangiti siya ng makita ang pangalan doon na nakalagay.

Kristal Panghilinan. Kinuha nila ang numero ng isa't isa para mayroon silang komunikasyon bukod sa messenger. Binuksan ni Yves ang message at agad na nalukot ang ekspresyon niya sa nabasa. Hindi siya pumapalya sa tres ngunit mukhang dadaplis siya sa alas tres.

Yves, medyo mala-late ako sa alas tres, medyo traffic, eh.
Sorry for the wait.

"Oh, ba't ka nakasimangot? Hindi ka sisiputin ng girlfriend mo?" biro ni Alexander na katabi niya.

"I don't have girlfriend, dude," inis niyang sabi at binalik ang phone sa bag.

"Weh, eh yung itsura mo ay mukhang kinasel ng syota mo yung lakad niyo."

"Sabihin mo nga saakin, Dos, kaya ka ba nagpaalam kay coach dahil may date ka?"

"Gago, kaya ako nagpaalam kasi may academic requirement na by partner."

"Babae partner mo?"

"Yeah," sagot ni Yves at uminom ng tubig mula sa water bottle.

"Type mo?"

"Not really," napamaang si Alexander sa kaibigan.

Sa pagkakakilala niya kay Yves, hindi ito nag bibigay ng hindi siguradong sagot. It'll always be either yes or no, may it be on things or people. Especially, women, when he say yes, it means he would love to sleep with them and when he say no, there will be nothing at all.

PRTTT!

"Okay, back to training."

Magtatanong pa sana si Alexander tungkol sa babae pero naunahan na siya ng pito ng coach nila at bumalik sa training.

**********

Tumakbo palabas ng eskwelahan si Yves makatapos mag paalam sa coach nila. Pwede siyang maglakad, oo. Pero ayaw ang pakiramdam na pinagiintay si Kristal. Nag text kasi ito na nasa parking lot ito sa labas ng eskwelahan at iniintay siya. Nang makalabas ng gate at nakita ang naka-park na kotse ni Kristal, inayos niya ang tindig at lakad. Ngunit hindi pa man nakakalapit sa dalaga ay napatigil siya at tinitigan ito mula sa malayo.

Nakasandal sa hood ng sasakyan, naka-pony tail ang buhok, naka-leggings at puting pantaas, naka-rubber shoes habang yakap yakap ang laptop at libro nito. In Yves opinion, Kristal is not on the caliber of being beautiful. She's more of average than pretty. She's not tall, just about 5'1. She's not faired skin but rather 'morena' type. Hindi din ito maporma at mukhang walang hilig sa paglalagay ng make-up. Simple sa madaling salita. Walang wala kumpara sa mga babaeng lantaran nagpapapansin kay Yves.

But why am I comparing her to them in the first place? Oo nga naman bakit ba kinukumpara ni Yves ang mga babaeng nahuhumaling sakanya kay Kristal?

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon