Kabanta 9

166 19 3
                                    

BLAG!

Sunday that same week, napabalikwas si Yves mula sa kama at napatakbo kung saan nanggaling ang tunog. Kahit papungas pungas at kagigising pa lang ay mabilis siyang nakarating sa kusina ng condo niya at napanganga sa nakita.

Isang babaeng hindi niya inaasahan ang nasa gitna ng magulong kusina at abala sa pag lilinis ng laman ng nalaglag na kawali. Kahit bakas ang ilang wrinkles sa mukha nito ay makikita padin ang pagiging elegante at maganda nito.

"'Ma?"

"Yves, gising ka na?" tanong nito at inangat ang ulo sakanya.

Napangiwi siya sa kalat ng ina. His mother can't cook in the first place, now he's wondering why she wants to cook. Kumuha siya ng basahan at lumapit sa ina.

"Ako na po diyan," nagbigay ng daan ang kanyang ina kaya nagsimula siyang linisin ang kawali at nalaglag na laman noon sa carpet.

"Bakit ka nandito, 'ma? Tapos na ang business trip mo?"

"Well, no."

"Nabasa ko yung text mo na nanalo ka sa pageant and I want to personally congratulate you," napatigil ang kamay ni Yves sa paglilinis.

His mother is Mary Ann Mercado, forty three years old, a director of an art gallery who is always busy. Dahil naghiwalay ang mga magulang niya sa murang edad, naintindihan niya na kailangan magtrabaho ng ina para sa kanilang dalawa.

But making time to congratulate him personally, he really appreciates it. Napangiti siya bago tumawa. Tinignan niya ang ina na may binubulong.

"Gusto lang naman kita paglutuan."

"Ma, you know you can't cook. Kaya imbes na magluto ka at paglinisin ako sa kalat mo, bakit hindi tayo lumabas and do something you are good at?"

"What am I good at?"

"Spending money."

"Should I?" tanong nito na parang nag dadalawang isip pa.

"'Ma, wag mong sabihin pagkain lang ibibigay mo sa anak mo na nanalo ng Mr. Ambassador?"

"Sabi ko nga," sang-ayon ng ina niya.

"Maligo ka, I'll buy you anything you want today."

"Okay, pero lilinisin ko muna ito," sabi ni Yves at itinuloy ang paglilinis.

"Yves can I look at your pictures, wala ka namang sinend na picture saakin, e."

"Sure, 'ma, nasa duffel bag yung phone ko sa kwarto."

"Okay," naglakad ang ina niya papuntang kwarto niya at hinanap ang phone.

Pagkakuha ay umupo si Mary Ann sa kama ng anak at binuksan ang walang password na phone nito. Dumiretso siya sa pagpindot sa gallery at ang unang bumungad sakanya ay ang litrato ni Yves at ni Kristal.

Tumaas ang kilay niya habang may ngiti sa labi, "Oh!"

She never saw Yves smile this way towards a girl. Kahit sa mga girlfriend na naipakilala nito sakanya. Mary Ann knows she's not the perfect mother, but he knows his son enough, this girl is different.

BLAG!

"'Ma!" bumukas ang pinto ng kwarto ni Yves, kasabay ng pagtawag nito sa ina.

Nakalimutan niya na may picture sila ni Kristal sa phone! Naalala niya lang ng mailagay niya sa lababo ang nilinis. Tinignan siya ng ina ng may pilyang ngiti.

"Too late, son. Nakita ko na," sabi nito at winagayway ang phone niya, napangiwi si Yves.

"Lover mo?"

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon