Kabanata 12

162 20 7
                                    

Okay, shit! HAHAHAHAHAHA.
SOBRANG SABOG KO YUNG CHAP 16 YUNG NAIPUBLISH KO.

I wouldn't know if it wasn't for the comment, so yeah. Thank you for mentioning.

This is the real chapter 12, I'm so sorry. HAHAHAHAHAHAHAHA

Pagkatapos ng foundation celebration ay ang pagpasok ng panahon ng midterms. Magsisimula na din ang school interscholastic. Sobrang abala si Yves, sa puspusang training at sa pag cra-cramming ng lessons. Halos wala na siyang oras sa sarili, bukod sa tulog, sa biyahe, at sa pagkain ay wala siyang pahinga.

Pinunasan niya ang bibig pagkatapos uminom ng tubig at nagsimula ng breathing cool down niya. Tapos na ang training nila para araw na ito. Sumandal siya sa upuan at habang tinutuloy padin ang breathing cool down niya.

"You fine?" tanong niya kay Alexander na nasa tabi niya at nag bre-breathing cool down din.

Namumutla ito at mukhang pagod na pagod. Nitong mga nakaraan ay ayos pa ang complexion nito, pero ngayon, parang mauubusan na ito ng dugo.

"Yeah, ayos lang ako."

"ACHOO!"

Napakunot ng noo si Yves, it's a white lie and he's used to it but something is kind of not right.

"You sure?"

Natahimik si Alexander, bago bumuntomg hininga. "Actually, may p-"

"Alex."

Sabay na napalingon ang dalawa sa pamilyar na boses ng babae. Nakasuot ito ng uniporme at nakatali ang buhok.

"Kristal? Bakit ka napadpad dito?!" gulat na tanong ni Yves.

Ang huling kita ni Yves kay Kristal ay nang ihatid siya nito pagkatapos nilang kuhain ang kotse niya sa kinainan nila at sa totoo lang ay gusto siyang makita ni Yves pero hindi niya magawa dahil sa sobrang abala. Pero sino bang magaakala na si Kristal pala mismo ang magpapakita sakanya.

"Ah, may dinner kami ni Alex," sagot ni Kristal na ikinalukot ng ekspresyon ni Yves. Dinner with who?

"Hey, Kris, hindi pa ako tapos maligo. Pero, mabilis lang 'to, promise."

"Take your time, Alex, willing to wait ako," sabi ni Kristal, tumanggo naman si Alexander bago magtuloy sa banyo ng mga atleta.

What the hell is happening here? Kailan pa sila naging close?

Umupo si Kristal sa tabi ni Yves at tinanaw ang mga nagbibihis na varsity players sa harap niya. Tinitigan naman ni Yves ang mata nito na walang emosyon. Gusto niyang tanungin kung anong dahilan kung bakit sila may 'dinner' ni Alexander ngunit nangibabaw sakanya ngayon ang kuryosidad sa ibang bagay.

She's not wavering at all while looking at them, hindi ba siya naiilang? Usually, women gets flustered when they see a half-naked man with a good body.

"Liking what you're seeing?" pabirong tanong niya.

Napatingin naman si Kristal sakanya na may nakakaunot na noo at tinanong siya ng may lito. "What?"

"Well, ibig kong sabihin, yung teammates ko," paglilinaw ni Yves.

Hindi sa pagmamayabang pero alam ni Yves na magaganda talaga ang katawan nila dahil atleta sila na batak sa araw araw na training.

"Anong masasabi mo sakanila?"

Binaling ni Kristal ang tingin sa mga players na halos lahat ay walang pangtaas. Mukhang hindi nila napansin na may babae na sa gym dahil abala sila sa pagkwekwentuhan.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon