KABANATA 22

112 4 0
                                    

XXII.


"Syd!"

Lumingon ako.

Naroon ang pinsan kong si Nerys at ang boyfriend niyang si Dan. Lumapit na ako sa kanila at yumakap sa'kin si Rys ng mahigpit. Parang ilang taon kaming hindi nagkita?!

Tumango lang sa'kin si Dan at maikling ngumit matapos ang yakapan namin Nerys.

"Sorry hindi na ako nakapunta sa dinner kagabi, Syd. Kulang na kasi sa oras, e," sabi ng pinsan ko.

"Ayos lang, ano ka ba!"

"Una na 'ko, Rys. I-text mo na lang ako," singit ni Dan.

"Hindi ka sasama sa'min ni Nerys?" Tanong ko naman.

"Hindi na. Hinatid ko lang talaga siya papunta rito," sagot ni Dan. "Sige, Syd."

Tumango ako.

Humalik sa noo ni Rys si Dan at naglakad na paalis. Si Nerys naman nakatitig lang sa likuran ng boyfriend niya habang naglalakad. Ang tagal na nila pero halata sa pinsan ko na sobrang saya at kinikilig pa rin siya.

Hay. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan?

"Meron naman na? Si Sir Heath?"

Biglang sabi ni Rys na nakatingin na pala sa'kin. Ngumisi ako at sinukbit na ang kamay ko sa braso niya para maglakas na kami paakyat sa Cinema sa SM Masinag.

"Ni-hindi nga makaalala tumawag. Boyfriend ba tawag doon?" Angil ko. Tatlong linggo na si Sir Heath sa Scotlan dahil may inasikaso raw na Family bussiness kasama 'yung Uncle Sandro nila.

Dalawang beses pa lang siya nagte-text simula noong umalis siya.

"Baka hinihintay ka niya?"

"Bakit ako mauunanh mag-approach? Tsk."

Sumakay na kami ng Elevator paakyat ng third floor.

"Ang pride mo naman," napairap pa siya habang naglalakad na kami papunta roon sa kabilang banda ng Mall.

"Pride my ass. Kunwareng nanliligaw lang 'yun."

"Busy kasi. Napaka-negative mo naman, Anniesyd."

"Gosh! Bakit full name basis, Nerys Ricavio?!" Tumawa kami. "Kakain muna ba tayo bago mag-sine or what?"

"Kain muna tayo, bawal sa buntis nagugutom, eh."

Napatili ako!

"Huy, bakit tumitili dyan. Tinignan tuloy tayo ng mga tao."

My eyes widened! Is she really?!

"Hindi nga? Totoo?!"

"Oo nga. Kaya nga hinatid ako ni Dan papunta rito, para safe raw kaming dalawa sa biyahe."

Umupo kami sa bakanteng pwesto na katapat ng shawarma na gusto niya raw kainina dahil sa cravings niya.

"Ilang buwan na? Hindi mo man lang sinabi sa'kin agad!"

"4 weeks. Last week lang din naman namin nalaman ni Dan eh."

Matapos namin mag-usap saglit at kumain ay dumiretso na kami sa Cinema 1 para manood.

Inalalayan ko pa dahil madilim na agad! Gosh! Should I call somebody to turn on the lights, I have this preggy with me!

Luckily, we sat safely na medyo sa gitna kami at baka masilaw naman 'tong si Nerys.

In the middle of the movie, umiiyak na si Nerys! Agad agad?! Tinignan ko siya at napangiwi ako dahil sa maraming tissue sa gilid at hawak niya.

"Sorry. Baka preggy hormones lang 'to," sabi niya at nagpunas pa ng luha sa pisngi tsaka kami natawa!

His Fake Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon