KABANATA 6

146 6 0
                                    

VI.

Parang nabilaukan ako sa sinabi ni Sir. Namula nga siguro ang mukha ko dahil nakita ko ang pag-ngisi niya, e.

Nagpalit na 'ko ng damit gaya ng sinabi ni Sir. Bestida ulit pero kulay blue naman.

"Annie, let's go," sabi ni Sir Heath sa labas ng pinto. "Why your door is freaking lock?"

Nararamdaman ko na ang pag-kunot noo ni Sir sa labas. I chuckled and binukas na ang pinto. Pinasadahan niya pa 'ko ng tingin.

"Ganda ko 'no, Sir," I teased him.

"'Wag na tayo lumabas," he said at papasok sana sa kwarto ko kaso hinarang ko na agad.

Aatakihin ako sa puso dito kay Sir.

"Tara na, love," nakangisi kong sabi at nauna nang maglakad pababa.

Ang sarap asarin. Kung hindi ko lang talaga crush 'to si Sir, wala ako ngayon dito. Pababa na 'ko ng hagdan nang makita ko ang Lolo ni Sir.

"Good morning po," sabi ko.

"Good morning, Hija. Tapos na kayo ng apo ko?"

Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Grabe! Napahalakhak tuloy rin siya.

"Biro lang. Anyway, Heath, kamusta ang biyahe niyo? Hindi ko na kayo naharap dahil napagod ako sa pangangaso kahapon at natulog na matapos ko kayong makita kagabi," sabi ng Lolo ni Sir.

Nagkasabay na kaming lumapit si Sir sa Lolo niya.

"Good. Punta lang kami sa ilog, Lo."

Nag-usap pa sila ng kaunti tungkol sa bukurin daw nila hindi kalayuan dito. Nang matapos ay naglakad na kami papuntang ilog.

Hindi na 'ko nagsasalita dahil ang ganda talaga dito. Nalimutan ko ang cellphone ko! Tatawagan ko pala dapat si Nerys, e.

Hahakbang sana ko pabalik nang sipatin ako ni Sir.

"Where are you going?"

"Babalik sana. Naiwan ko phone ko, e."

"Why? You'll call someone?"

Tamang hinala naman 'to. Hindi ko na lang tinuloy ang pagbalik ko. Naglakad na 'ko ulit kasabay niya.

Laging naka-kunot noo 'to si Sir. Kung hindi ko lang boss 'to? Minasahe ko na 'yang noo niya dahil laging lukot. Nung college kami, kapag nakikita ko 'to si Sir, hindi naman ganyan. Tahimik lang siya. May mga friends naman siya that time tapos hindi ko na nakikita ngayon na nakakasama niya. Baka iba-iba na sila ng career.

Ilang minuto pa kaming naglakad nang marinig ko na ang iilang tawa. Panigurado ay mga pinsan niya 'yan.

"Too loud. We should go back," biglang sabi ni Sir. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatingin lang siya dun sa harap kung saan namin naririnig 'yung mga tawanan. Ang tangos ng ilong niya, ang maputi niyang kutis ay mas napapaganda lalo ng sinag ng araw. Gosh, paano ko kaya naging crush 'to ng ilang taon?

Napatikhim ako at mahinang tumawa. "We're here to unwind, Sir. You need this. Wala kang pahinga habang nagta-trabaho ka sa Manila."

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now