KABANATA 39

94 5 0
                                    

XXXIV.

"Syd," Dan sit beside me.

"Kumusta 'yong kaso? Ano'ng balita?" Tanong ko agad sa kaniya. Hindi siya nakapag-salita agad at bumuntong hininga. "Ano nangyari, Dan?"

"Hindi pa rin nagbibigay ng warrant of arrest."

"Bakit daw? May mga saksi naman, naibalita nga agad 'di ba? Bakit ang tagal umusad?"

Napatahimik kaming dalawa.

Kakalibing lang ng pinsan ko kahapon at inaasikaso naman ngayon ni Dan ang kaso. Hindi kami papayag na hindi mabigyan ng hustisya si Nerys.

"Ate Syd, hanap ka raw po ni Kuya Axl," singit ni Nyra. I excused to Dan.

Narito kami ngayon sa bahay nila Dan. Sa ngayon, hindi niya pa alam ang mga desisyon niya. Alam din namin na napapagod siya, dahil kakamatay lang ni Nerys at pagkatapos ay heto'ng kaso naman ang iintindihin. Pero lahat kami gusto ang hustisya. Hindi nila pwede'ng gamitin ang pera at mataas na titulo nila. Masyadong marahas ang babanggain namin at handa kami roon.

"Bakit Kuya—" I stop when he's looking outside the window and I saw him there. "Bakit hindi pa rin 'yan umaalis?"

Agad akong naglakad papalabas sa kaniya.

"Umuwi kana."

He stand up straight when he heard me.

"We will go home together," he said. "I'll wait for you, baby."

Hindi ko kayang makipagtalo ngayon. Iniwan ko siya at pumasok na 'ko sa loob. Problema na lang niya kung paano siya makaka-survive dyan sa labas. Hindi ako sasama.

"Syd, anak, you should eat first," my Mom approach me at dinala sa hapag. Hindi ako pinapayagan ni Mommy na magutom. Kaya napapaisip ako kung alam na ba niyang buntis ako. "Drink water. Aakyat lang ako sa Tita mo."

I began eating.

Bukas ng umaga, pupunta rin ako ng hospital. Bukas o sa makalawa. Masyadong magulo pa rito.

Natapos ang tanghalian, umalis ang Kuya ko at si Dan. Susubukan nang humanap ng ibang saksi at abogado. Hindi madaling kalabanin ang isang anak ng politiko pero kakayanin namin para sa namatay naming pamilya. Hindi kami madadaan sa pera dahil doon din namatay si Nerys.

***

Nakita kong binati ni Heath ang Mommy ko bago pumasok dito sa loob pero tinanguan lang siya nito. Gabi na ngayon at hindi pa rin siya umaalis. Kinausap na siya ng pamilya ko pero nagsabing sabay kaming uuwi.

Kinabukasan ay ginising ako ni Mommy ng maaga dahil kailangan ko raw tignan ang balita.

"Nahuli ang dating empleyado ng Del Mundo Corporation na si Mona Peña at ang iba pa nitong kasama dahil sa nahuling ipinagbabawal na gamot."

Hindi ko alam kung bakit ako ginising ni Mommy para sa balitang 'to. Hindi ko naman na siya ka-trabaho, e.

"Kasama rin dito ang child abuse at ang pagkalat ng malaswang video kasama ang namumuno ng Del Mundo Corporation. Ayon din sa balita ay siya mismo ang humuli rito."

Agad akong tumingin sa labas at wala nga roon si Heath pati ang sasakyan niya.

Si Mona ang kasama niya sa video?

Takang taka ako at umupo.

Nalaman ko lang kay Gab na may gusto si Mona kay Heath pero aabot siya sa ganoon?

"Sinubukan naming humingi ng pahayag kay Ms. Peña, 'Heath, ilabas mo 'ko rito! Alam natin kung ano ang nangyari!' At ipinasok na ito sa kulungan."

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now