KABANATA 27

104 6 0
                                    

XXVII.

"Welcome home, Madam!"

Mainit ang pag-salubong ng mga tao sa Mansion sa pag-uwi ni Lola Madam. Hawak ko ang maleta na may laman ng gamit ni Sir Heath at akin. Inalalayan nina Xitrix at Gio si Lola Madam para maka-baba ng kotse.

"Salamat," mahina pero bakas sa ngiti ni Lola Madam na sambit niya.

May kaunting salo salo dahil mas bumuti na ang kalagayan ng Lola nila. Narito rin ang iba nilang relatives para salubungin ng yakap si Lola Madam. Sabi ng Doktor ay stable naman na siya pero kailangan ay bed rest pa rin. Na-salubong ko sa pinto si Rose na may benda pa rin sa braso. Maliit ako'ng ngumiti sa kaniya at ganoon din siya sa 'kin.

Nang nakapasok na si Lola Madam sa kwarto niya ay umakyat na rin ako sa binigay na guest room sa 'kin.

"Sigurado ka ba'ng maghi-hiwalay kayo ng room ni Heath?" Tanong ni Queen sa'kin. She looks worried about us.

Tumango na lang ako at mabuti na lang ay hindi na rin siya nag-tanong pa. Dumiretso na ako sa guest room. Hindi ko rin alam kung pumunta si Sir Heath sa kwarto niya dahil dire-diretso na 'kong umakyat.

When my back smoothly layed at this foamy bed, I felt relieved and then closed my eyes but it didn't last for a minute when someone knock at my door.

"Annie, let's go down," rinig ko'ng sabi ni Sir Heath.

Hindi agad nag-process sa utak ko ang pag-tawag niya.

Simula noong tinanong niya ako kung may balak din ba ako na magpa-kasal sa kaniya ay hindi na kami nag-usap pa ng matino. Lagi na siya'ng tutok sa laptop niya at noong isang gabi nang kami ang bantay sa Lola niya ay buong gabi siya'ng tulog sa sofa, nagigising lang kapag nariyan ang Doctor and Nurse to check on his Grandma. Two weeks kami'ng ganoon pero bago kami umuwi kanina dahil pa-discharge na si Lola Madam, I asked him what's wrong but he answered nothing.. na hindi ko tinanggap agad. Nothing daw, eh halos dalawang linggo kami'ng hindi nag-uusap.

"Annie," he called again but I decided not to go.

Wala ako'ng lakas ng loob para makaharap siya at lalo na ang pamilya niya.

Hindi ko kaya'ng mag-sinungaling na naman sa tungkol sa'min ni Sir Heath. Tama na 'yong nalalaman nila, ayoko nang dagdagan pa.

Mabuti na lang ay hindi na 'ko tinawag ni Sir Heath. Kaya naman ay inayos ko na ang higa ko, mamaya na lang din siguro ako bababa, kapag wala nang tao. Habang nakahiga at tulala sa kisame ay narinig ko ang cellphone ko, then I look at it.. si Rys tuma-tawag.

"Hello, Rys," pag-sagot at umayos ng upo.

"Hi Syd! Nasa Manila kana ba ulit?" Tanong niya. Mukhang maingay 'yong background niya.

"Wala pa, bakit? May emergency ba? How are you?" I kinda panicked. She's pregnant!

I heard the laugh. "Ayos lang ako, ano ka ba. Tinatanong ko lang since nagbabalak na si Dan na magpa-baby shower. Mas excited pa nga sa'kin talaga!"

We both laugh.

"Kailan ka ba uuwi para ma-set ko na," tanong ni Rys.

"Hmm, I am really not sure as of now."

"Ayos lang, Syd. Kung next month pa, ayos lang din para sabay na ang gender reveal ni baby," rinig ko'ng singit ni Dan kaya natawa kami ni Nerys. "Oh, narinig mo naman yata 'yon, Syd!"

"I did, I did!" I laugh. "Balitaan kita Rys ha, sasabay na lang din ako kila Tita papunta-"

"Hindi pa alam ni Mama, Syd," she sighed. "Sinubukan ko'ng i-punta roon ang usapan namin last week kaso.. parang doon pa lang alam ko na ang mangyayari."

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now