KABANATA 11

136 5 0
                                    

XI.

Tulala ako ngayon sa elevator.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko matapos marinig 'yung sinabi ni Sir Heath. Hindi ako makapaniwala na ganun 'yung nangyari.

Mas lalong nagpaisip sa'kin ng malala ay ang pinsan niya. I was bothered to hear their story. Palagay ko tuloy ay ako ang dahilan kung bakit naging ganoon sila mag-pinsan.

The elevator ring at lumabas na 'ko. Tulala pa rin hanggang ngayon.

Pumasok ako sa loob ng condo at inilapag na ang mga gamit tsaka umupo sa sofa.

"Annie, ayos lang naman 'yan. Mabuti nga ay hindi ka nakita ni Rev nung college ka," pagkausap ko sa sarili.

Tama naman, 'di ba?

Dahil kung nakita ko 'yun baka nga nagkatoto 'yung sinabi ni Sir Heath na sasaktan niya lang ako katulad ng ibang babae niya.

I was also bothered to their bro code?

Curious tuloy ako tungkol dun. Ayoko naman magtanong dahil baka ano ang isipin ni Sir Heath, mag-hinala pa na curious ako sa pinsan niyang 'yun.

Kinaumagahan ay pumasok na 'ko sa trabaho.

"Syd! Bakla! May fafa sa loob ng office ni Sir-Init! Naghihintay daw!" Bungad sa'kin ni Gab paglabas ko ng elevator.

"Ha? Ang aga naman yata, wala pang 8 am," sabi ko. Dumiretso ako sa cubicle ko. "Sino daw ba? Wala naman yata siyang appointment."

Maglalakad na 'ko papunta sa office ni Sir Heath nang sagutin ako ni Gab.

"Revhin del Mundo daw baks."

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"R-revhin?"

"Oo. Ang gwapo, baks! Pinsan ba 'yan ni Sir-Init?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya kaya napalit siya sa'kin at inangkla ang kamay sa braso ko.

"Hoy, baks! Natulaley ka dyarn! Sinabi ko lang na gwapo, tulaley ka rin! Nagdala na si Mona ng coffee sa kaniya. Ang bakla nga halos maglalag na ang undies paglabas!" Tumawa siya. "San na ba si Sir-Init?"

"Wala pa, e. Pero try ko na tawagan, teka."

"San ka pupunta?" Tanong niya sa'kin. "Kausapin mo muna dun, baks! Baka sabihin hindi siya inaasikaso."

"Ha? Ako?"

"Sino ba secretary ni Sir Heath? Kulang ka yata sa tulog," asar niya. "Pasok kana dun, Syd! Baka pati ikaw ay malaglagan din ng undies paglabas, ha!"

Natawa na lang din ako. Bumalik siya sa cubicle niya at sinimulan na nag trabaho. Nagda-dalawang isip naman ako kung papasok ba 'ko para kausapin... kaso bisita kasi 'yun ni Sir Heath. Hindi pwedeng hindi i-entertain.

Ite-text ko na lang si Sir.

Sir Heath: Sir, goodmorning. May unexpected visit po kayo. Si Sir Rev daw po.

Bumalik ako sa cubicle para hintayin ang reply niya kung ano ang gagawin.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumawag siya agad.

"Sir–"

["Where is he?"]

"Nasa loob po. Kakarating ko lang, Sir Heath," sabi ko sa kaniya.

["Wait for me. I'll be there in a minute."]

"Sige, Sir. Papasok po ba ako sa office niyo? Kailangan ko po kasi 'yung ibang contract."

His Fake Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon