KABANATA 34

93 4 0
                                    

XXXIII.

Hawak ko ngayon ang nanginginig na kamay ni Heath. Lahat kami nagaalala ngayon dahil critical ang kondisyon ni Lola Madam.

Halos tatlong linggo na rin ang nakakalipas nang magpa-house blessing kami, isang linggo matapos no'n ay umuwi na sila Lola Madam sa Davao. Maayos pa siya noon at mukhang wala'ng iniindang sakit.

Kahapon kami sinabihan ng mga kasama nila sa Mancion. Napa-alis kami nang biglaan matapos ang trabaho namin ni Heath kagabi. Si Eli pa rin ang piloto.

Kasama namin dito sa labas sina Xitrix, Eli at Lolo.

Wala isa samin ang nagsa-salita.

The Doctor's are examining Lola Madam inside. Pinalabas muna kami sandali para ma-check. Kagabi nang makarating kami rito, may mga aparato nang nakadikit kay Lola Madam. Hindi ko maipinta ang mukha ni Heath nang makita ang Lola niya.

Naramdaman ko'ng nag-vibrate ang cellphone ko. Si Mommy, agad ako'ng nag-excuse at hinanap ang fire exit bago sagutin.

"Syd, where are you?" Tanong ni Mommy. "Sa Manila ka, 'di ba?"

"Actually, Mom–"

"Rys, needs you, 'Nak."

Agad tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi ni Mommy.

"Bakit, Mom? Ano nangyari kay Syd?" Taranta ko'ng tanong.

"Nerys and her Mom got a fight."

"What? Kumusta po siya?"

"Her Mom knows about her pregnancy. They got a fight. Inalalayo ko na nga si Nerys dahil baka mapaano siya. Kita na rin kasi ang tyan niya, 'Nak. Kaya nagalit ang Tita mo."

"Tapos po?"

"But, good thing, she's okay as of now. Na-stress siguro kaya she fainted, ka-kauwi ko lang dahil nakaka-abala na raw sa 'kin sabi ni Dan. Pero pupunta ulit ako para magdala ng pagkain."

Napasapo ako sa noo ko.

Akala ko nawala ang anak nila o kaya si Nerys mismo.

Alam ko naman noon pa na laging sinusunod ni Nerys ang lahat ng gusto ng Mama niya. She sacrificed even her love for volleyball. Nerys always mouthed she's okay but I know her, head to toe. Alam ko rin na umiiyak siya sa tuwing may iiutos si Tita na labag sa loob niya, for example those time na nag-aaway si Tita at Tito. Tita will send them to us, Nerys know what's happening but those two younger sister she have was no idea. Si Kuya Harvey– nakaka-tandang kapatid pa ni Nerys. Wala ito sa puder nila dahil nandoon ito sa totoong Tatay niya. Kuya Harvey is the first born ng Mama ni Nerys, pero bago pa lumaki si Kuya Harvey ay naghiwalay na ang magulang nila kaya nasa puder ito ng Tatay niya.

Pumupunta lang si Kuya Harvey dito kapag birthday nila Nerys.

Minsan sinabi na sa 'kin ni Nerys na gusto niya nang sumama kay Kuya Harvey sa isla pero iniisip ni Nerys na maiiwan niya ang dalawa niya'ng kapatid.

Bago bumalik sa loob ay tinext ko si Dan kung okay na ba ang lahat kay Rys.

Naabutan ko na lang na umiiyak si Xitrix kaya nagmadali ako'ng lumapit kay Heath na medyo namumula na rin ang mga mata.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ko.

"Muntik na mag-flat line," sagot ni Heath at agad ako'ng yinakap. Hinagod ko naman ang likod nito dahil alam ko'ng hindi niya mapipigilan ang umiyak.

Nalaman ko'ng nasa critical condition na nga talaga si Lola Madam. Hindi rin ako mapakali dahil din kay Heath. Pabalik-balik nang lakad si Xitrix habang pinupunasan ang maliliit na luha niya.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now