KABANATA 16

115 7 0
                                    

XVI.

Agad akong tumayo at bahagyang lumayo kay Sir Heath!

Shit!

Nakakahiya ka talaga minsan Anniesyd!

I heard him chuckled.

"Come on in, Gio," sabi niya at inayos ang pagkakaupo. Nakangisi pa siya. Tsk!

"Nakaka-istorbo yata ako."

"Yes–"

"Hindi! I mean, hindi," agap ko! Kinakabahan ako habang naglalakad palabas na ng opisina sana kaso tinawag na naman ako ni Sir Heath. "Bakit?"

"Stay there in the couch. Mabilis lang naman ito," sabi niya at binaling na kay Gio ang tingin.

Nanlalambot ang tuhod ko hanggang sa makaupo sa totoong upuan.

Gosh talaga.

Ba't naman kasi bigla bigla siyang papasok? Walang katok man lang? Nagulat pa tuloy ako!

My heart beats faster than I jogged every morning. Grabe! Nakakahiya! Tingin ko gusto ko na lang talaga maglaho!

Sa dami ba naman ng masasandalan at upuan, sa.. sa hita niya pa talaga? Grabe, Anniesyd! Tapos nakita pa noong pinsan niya. Freak!

Halos gusto ko na magpalamon a couch ngayon at mawala. Nakakahiya sa pinsan niya. Wala na yata akong dignidad.

Hindi ko na gaano naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila since occupied ang isip ko dahil sa kahihiyan na naganap kanina. Parang gusto ko mag-take muna ng leave tapos ang reason ay ang pagkawala ng dignidad ko.

"Una na 'ko. Syd," tumango ako sa pagpaalam ni Sir Gio pero hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Hanggang sa maisarado na ang pinto.

"Continue to your lunch, Annie."

Awtomatikong umangat ang tingin ko kay Sir Heath. His eyes are now to his papers. Reading and signing. Kaya wala na ako nagawa, hindi na rin ako umangal dahil medyo gutom na rin talaga ako. Umupo muli ako sa couch at sinimulang kumain.

Aayain ko ba si Sir Heath kumain?

E, kakatapos lang daw nila ni Sir Gio kumain.

Kaso nakakahiya, siya naman ang bumili nito.

"Sir Heath, kain po," sabi ko. Tumango lang siya pero nasa papeles pa rin ang tingin.

Binilisan ko na lang kumain. Matapos kong ligpitin ay nagpasalamat at nag-paalam na ako na babalik na ako sa cubicle ko. He just nodded again and I think, his eyes are glued to his papers.

Mahina akong sinarado ang pinto at paglabas ko pa lang ng office ni Sir ay naramdaman ko na agad ang pagtingin ng mga ka-trabaho ko sa akin. Tsk. Simula talaga nung nakita nila 'yung eksena namin ni Sir, ganyan na sila kung makatingin. Para naman'g hindi nila ako nakikitang lumalabas at pumapasok sa opisina ni Sir Heath simula noon dahil sekretarya ako?

I sighed and sit relaxly on my chair. Facing my computer.

Maya-maya, nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

Mommy:

Darling, ano itong nababalitaan kong relasyon niyo raw ng boss mo?

Napahawak ako sa ulo ko.

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi magtatagal ay makakarating sa kanila ang tungkol dito. Nagtipa ako ng ire-reply kay Mommy, sinabi ko na magpapaliwanag na lang ako once na umuwi ako ng Antipolo.

After that, bumalik na ako sa pagta-trabaho. Ginawa kong busy ang isip ko para hindi ko man lang gaano maalala 'yung nangyari kanina sa opisina.

Inabot ako ng ilang oras hanggang sa nagsisi-alisan na ang mga ka-trabaho ko.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now