KABANATA 4

164 7 0
                                    

IV.

"Galit kaya ang lola niyo?" Tanong ko.

Nasa sala na kami ngayon pero sala ba tawag dito? Sobrang lawak! Feeling ko mas malawak pa 'to kesa sa bahay namin. Parang bakasyunan talaga kasi walang kahit anong appliances, wala ngang harang ang mga gilid, eh! Parang open na open 'tong mansyon na 'to sa lahat.

"No, she just over reacted," sabi ni Sir Heath sa tabi ko.

Nilibot ko pa ang paningin ko. May second floor pala, 'yong hagdan naman nasa magkabilang dulo ng bahay. Mansyon na mansyon talaga! Isama na rin natin 'yong napaka-laking chandelier sa gitna. Sinundan ko ang hagdan, may mga picture frame pala na nakasabit.

Kung titignan ang paakyat, tingin ko parang napakalawak din no'n. Parang tipo sa palabas na dudungaw dun si Mayor o kaya 'yong Presidente. Tapos kami dito sa baba, nakatingala sa kaniya.

Ramdam ko pa rin ang lamig. Open ba naman kasi ang napaka-laking sala na 'to.

Naiwan kami nila Elia at Sir Heath dito dahil magpapalit lang daw ng damit 'yung Lola nila. Grabe, ang sosyal na nga ng damit niya, eh. Sinabi nga ni Sir na 'wag na, pwede namang bukas na lang niya kami tignan dahil gabi na rin kaso hindi nakinig si Lola ni Sir Heath.

Kinabahan tuloy ako!

"Hey, you okay?" Tanong niya sa'kin. Tumango lang ako at yinakap ang sarili.

Grabe naman dito. Tipid na tipid siguro sa aircon.

"I'm sleepy. Damn it," si Eli. Halata nga. Kanina pa 'yan hikab ng hikab. Si Sir naman nakakunot noo na naman, ano bang bago d'yan?

Kinalabit ko si Sir Heath.

"Matagal pa ba? I need to pee," sabi ko. Sa sobrang lamig, naiihi na 'ko. Sir Heath rolled his eyes. Grabe naman, e, sa naiihi ako!

"Let's go," sabi niya kaso bago pa kami humakbang ay may narinig na kaming yabag ng sapatos. "She's that. Can you hold it a little more?"

"Sige Sir."

Sinamaan niya agad ako ng tingin. Naiihi na talaga ako! Kapag ako naihi habang kausap 'yang lola mo, bahala ka Sir!

Pababa na ng hagdan ng mayayaman 'yong lola ni Sir Heath. 'Yong yabag ng sapatos niya nakakatakot. Naka-dress na si Madam at may roba na rin siyang suot. Walang nagsasalita sa'min habang papalapit siya. Si Eli, nakasandal na sa pader tapos hikab ng hikab. Si Sir Heath, ayon walang bago, naka-kunot noo pa rin.

"You can go to your room Eli and Heath," sabi ng Lola nila nang makalapit sa'min. Si Eli agad na naglakad paakyat. "I said, Eli and Heath. You didn't hear me my grandson, don't you?"

Hindi kasi sumunod si Sir Heath kay Eli. Magkatabi pa rin kami. Tinignan ako ni Sir at hinawakan sa baywang.

"Okay, we'll go to sleep," maglalakad na sana kami kaso nagsalita na naman 'tong si Lola ni Sir. Naiihi na talaga ko, grabe!

"Iwan mo ang babaeng kasama mo, Heath. God, is your common sense failed to do its job?"

Napalunok ako! Ba't ako iwan? Tumingin sa'kin si Sir. Shit! Don't you dare! 'Wag mo 'kong iiwan dito sa Lola mo!

Tumikhim siya at nagsalita. "La, she's tired too. Can we just sleep and wait 'til morning? We're not going anywhere."

"Can you just leave? I want to talk to her alone," naririnig ko na ang pag-taas ng boses ni Madam!

Gosh! What is really the matter?

"Then talk to her while I'm here," sabi niya. Nakita kong kumunot ang noo ng Lola niya.

His Fake Fiancee (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora