KABANATA 23

111 5 0
                                    

XXIII.

What did he say?!

/ Sir, joke lang po 'yun! Hehe. Enjoy po sa scotland /

I waited for his reply kaso hindi na nag-reply ang walanya! Nag-panic tuloy ako!

Maya maya lang habang nagpapa-balik balik ako sa kwarto ko ay nag-ring ang cellphone ko. Si Sir Heath!

"H–hello Sir," sabi ko.

"Outside."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon! Nasa labas na ba siya?! Agad naman akong napa-punta sa bintana para tignan kung talaga ba'ng naroon na siya! Sinilip ko ang tapat namin kaso wala naman'g sasakyan at wala rin si Sir Heath!

"Saan po Sir Heath?" Tanong ko habang naka-dungaw pa rin sa labas. Narinig ko ang mahinang pag-tawa niya kaya natauhan agad ako!

"Miss me?"

Napa-singkit ako ng mata habang sa kabilang linya ay ang sarap ng tawa niya!

"So, missing me, huh?" He said between his laugh. "Good to know you're missing me."

Bumalik na 'ko sa kama at nagma-maktol na umupo roon! Rinig ko pa rin ang tawa nitong si Sir Heath! Nag-panic lang naman ako baka talagang nandiyan siya sa labas! Ang tagal kaya ng biyahe pauwi ng Pilipinas tapos galing Scotland!

Marunong na pala si Sir magbiro?!

"Alright. Be there tomorrow evening. Don't miss me too much."

He hangged up the call.

Tsaka lang nag-sink in sa 'kin na nagawa akong paglaruan ni Sir Heath. Aba, meron na rin siyang humour? Improving naman pala!

Napaayos ako ng upo at pinroseso lalo ang nangyari. E 'di uuwi na siya bukas ng gabi. The day after tomorrow pa balik ko sa Manila. Ayoko mag-assume pero sana sabay kami bumiyahe sa Manila.

**

"Good morning, Syd anak!" Bati agad ni Mommy nang makababa ako. Amoy ko na agad ang niluluto niya'ng agahan kaya siguro ay na-gising na rin ako. "Syd, 'yong Rev ay nasa sala pala. Nag-abot ng flower tea kaya inaya ko na rin mag-breakfast."

Napakunot ako ng noo!

Si Sir Rev?!

Nag-punta ako sa sala at nakita ko nga'ng naka-upo sa sofa si Sir Rev. Ano ba'ng ginagawa niya rito nang maaga?!

"Good morning," biglang bati niya nang makita niya ako rito at nakatayo lang. "I have some flower tea to your Mom."

"Good morning, Sir Rev–"

"Rev. Just Rev."

Napahinto ako. Hindi pa rin ako gumagalaw kung na saan ako ngayon. I was stuck! Hindi ko alam kung lalapit ba 'ko sa kaniya?! Pero pamilya pa rin siya ni Sir Heath? Pero rin kasi may issue nga sa kanila ni Sir!?

"O–okay. Salamat sa tea."

"No problem. I think I have to go," sabi niya. "Just tell your Mom, I am busy or such, she insisted kasi a mag-breakfast kasama kayo."

"Oo, sige. Sasabihin ko na lang."

Wala na 'kong nasabi hanggang sa lumabas na si Sir Rev kaya nakahinga na rin ako nang maluwag! Ang aga naman para rito!

Saktong paglabas niya, pumasok naman si Kuya Axl.

"Pinauwi mo, Syd?" Tanong niya agad.

"Hindi 'no! Busy daw siya!"

Mabuti na lang din na umuwi si Sir Rev! Baka magka-issue at umabot kay Sir Heath! Ayoko ng komplikadong buhay 'no!

"Mom, umalis na si Sir Rev," sabi ko at umupo na.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now