KABANATA 9

154 7 0
                                    

IX.

Matapos ang pagka-basag ng baso ni Rev kanina ay natapos na rin ang kasiyahan. Ang narinig ko ay tumuloy nang umalis si Rev kasama sila Seige. Umuwi na rin ang iba pang bisita.

I am now looking outside from my room. Hindi ako sa kwarto ni Heath tumuloy. Inayos lang siya doon ng mga pinsan niya at umalis na rin ako.

I was bothered because of Rev and everyone was saying like finally they met me. Na parang ang tagal nila akong hinintay. Kinda creepy.

Inabot ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Nerys.

"Hello, Syd? Abot ko lang kay Nerys. Nasa baba kasi siya," tinig ng isang lalaki.

I chuckled. Heto siguro ang si Attorney ng buhay ng pinsan ko.

"Pinsan mo. Sorry nasagot ko na, akala ko emergency. Ako na dyan," narinig ko naman ang boses ng pinsan ko na parang inabot sa kaniya. "Hello, Syd!"

"Wow, mukhang masaya ah!"

"Hindi naman. Napatawag ka? Ngayon ka lang nagka-free time?" Tumawa siya.

"Ang dami ko na gustong i-kwento sa'yo, Rys!"

"Sige, tell me na," rinig ko ang excitement sa boses niya. "Kamusta? How's your Davao trip with your, ehem, boss?"

"May sasabihin muna ako sa'yo, pero 'wag kang mabibigla or magagalit na tinago ko ha."

"Sure. Ano ba 'yun?"

I cleared my throat. Hindi naman ako kinakabahan magsabi sa pinsan kong 'to.

"I came here as his fake fiance..."

"H-ha? Wait, ano?"

"Yeah. Fake fiance."

Narinig ko ang tili niya. Nalayo ko ang cellphone ko dahil doon.

"Ano nangyari?" tanong nung jowa niya sa kabilang linya. Natawa rin ang pinsan ko. "Nothing. Nothing."

Habang kausap si Rys ay kampante ako sa kaniya. Alam ko kasi kapag sa kaniya ako nagsabi, no judgement but we respect each other. Hindi ako natakot sa kaniya na sabihin ang lahat dahil siya na rin talaga ang naging bestfriend ko eversince.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita tungkol sa paglipat nila ng bahay nang may kumatok sa pinto ko.

Naglakad ako dun at tinignan sa peep hole kung sino, hindi na 'ko nagulat nang si Heath ang nasa labas. Pulang pula pa rin siya dahil sa alak. Nakapikit siya at hawak ang ulo.

"Hmm, Rys? I'm sorry but can we just call again later?"

"Oh, why? May nangyari ba?"

"No. Nasa labas kasi siya." Narinig ko na naman tuloy ang tili niya. "Magdahan dahan ka nga. Aatakihin na sa'yo 'yang jowa mo d'yan!"

"Sorry, sorry! Can't help it. Cute kasi! Sige na, call me again when you're free, okay? Take care dyan kay Sir Heath."

Nag-asaran pa kami saglit at binaba na ang tawag. Tumingin ako ulit sa peephole kung nandun pa siya.. at nandun pa nga siya kaya pinihit ko na ang pinto.

"Hmm. Why?"

"You're not in my room," he said using his sleepy voice.

"Dito kasi ang room ko. Balik kana dun at matulog. Lasing na lasing ka."

"Let's go. I can't sleep," Hinawakan pa niya ang ulo niya. Siguro ay nahihilo na 'to. "Come on, my head is spinning like shit."

Hindi na 'ko nag-alinlangan nang makita kong matutumba na siya ay agad ko siyang pinasok dito sa loob at pinahiga sa kama ko. I locked the door and put him on the bed properly.

His Fake Fiancee (Completed)Where stories live. Discover now