KABANATA 5

172 7 0
                                    

V.

Nagising ako sa sobrang lamig.

Gosh!

Ba't hindi na naman nakapatay ang aircon? Tataas ang bill ko nito. Napamulat ako ng mata at makitang hindi ito ang condo ko!

"Where... Ay, oo nga pala," napasapo ako sa ulo ko. Nasa Davao nga pala kami.

Umunat pa 'ko bago tumayo. Grabe ang lamig! Nasa ibang bansa ba kami? Hays. Naglakad ako papunta dun sa maleta ko. Siguro ay pinasok na 'to ni Sir. Kumuha ako ng damit pang-palit at dumiretso na sa CR.

Thanks God, may heater sila! Kung hindi, paniguradong nagye-yelo akong lalabas.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako. Nag-toothbruh, suklay at nagbihis ng puting bestida. Tinignan ko ang phone ko at nakitang 6:27am pa lang, napatingin tuloy ako sa bintana. Ang tanghali na tignan ha!

Puting bestida na may design na flowers ang suot ko. Hanggang tuhod at may sleeves. Wala rin naman akong dalang make up kaya ayos na sa'kin ang natural na pula kong labi. Hindi naman ako mukhang anemic. Sinuot ko ang extra tsinelas kong dala at tumayo na.

Ako:

Sir, good morning!

I clicked sent at lumabas na. Amoy ko na agad ang pang-agahan! Nagutom tuloy ako bigla.

Habang pababa ng hagdan ay tinitignan ko ang mga pictures na nakasabit. Puro baby pictures ito at may mga pangalan. Hinanap ko ang kay Sir at nahanap ko nga!

"Ang cute! Parang hindi mo pag-iisipan na laging naka-kunot noo na lang ngayon," I giggled. Naka-smile kasi siya dito. Sarap iuwi ng picture na 'yan!

Naglakad na 'ko pababa nang tuluyan at may tumawag sa'kin.

"Hija! Come on, we're outside," si Lola Madam pala. Grabe ganda ng kutis. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti. "Goodmorning. You really look good, Hija!"

"Good morning po," I greeted her and smiled. Nakaka-flatter naman. Hinawakan niya 'ko sa braso at sinabay sa paglakad niya palabas.

And to my surprise, bumaba yata ang mga anghel! Ang ga-gandang dilag ang narito at ang iilang lalaki!

"Come on, ipapakilala kita," sabi ni Lola Madam. Parang uurong ang pagkatao ko dahil sa mga 'to.

Napatingin silang lahat sa'min nang agawin ni Lola Madam ang kanilang atensyon.

"Everyone, this is Anniesyd," everyone smiled at me, nakakakaba naman! "Guess who is she?"

"She-"

"O, shut it, Eli! Kilala mo na siya kasi sabay kayong dumating!"

Nagtawanan naman silang lahat. Halos lahat sila nakatingin sa'min sa harap. May mahabang lamesa kasi at doon sila kumakain kanina bago tawagin ni Lola Madam.

May isang lalaking nagtaas ng kamay habang natatawa.

"La, she's your new Nurse?"

Tinapunan naman ni Eli ng kung ano 'yong nag-salita.

"Engk! Wrong answer Xitrix!" Sabi ni Eli. Mas lalo tuloy kumunot noo ang mga tao sa harap namin.

His Fake Fiancee (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu