KABANATA 15

126 7 0
                                    

XV.

"Speak, Annie."

I can't talk.

Hindi ko kaya dahil sa ginawa niya.

Papatayin niya yata ako dahil lang sa ngiti at sa mga sasabihin pa ng bibig niya. My lips are kinda trembling but I managed to walk sa pintuan ng unit ko. Hinanap ko ang susi sa bag ko.

"Annie," tawag niya ulit kaya sa gulat ko ay nalaglag ko ang susi. Sabay kaming napayuko at kinuha ang susi.

Iniwas ko ang kamay ko at umayos na ang tayo. Sinubukan ko nang buksan ang pintuan at nang mapagtagumpayan ko na nga, agad kong binuksan ang pinto at pumasok pero agad siyang sumunod.

"Annie," tawag niya. Tumingin ako sa kaniya.

Nakakatunaw talaga 'tong mga tingin niya sa'kin.

"Sir Heath, kailangan ko na pong magpahinga."

"Talk to me first."

"A-ano po bang gusto niyong sabihin ko?"

Hindi siya nakasagot kaya pumasok na ako ng unit ko. Naiwan siya roon sa harap ng pinto. Nilapag ko sa lamesa ang mga gamit at pinamili ko na hindi ko talaga alam kung magagamit ko.

"Umuwi na po kayo, Sir Heath," sabi ko at muli siyang hinarap. Hahakbang sana siya pero agad kong pinigilan. "Sir Heath, you need to go home."

Ang paghakbang niya ay agad niyang tinigil. Papalapit sana siya sa'kin. Dalawang hakbang lang 'yun pero ang puso ko, grabe sa pagtibok ng mabilis!

Urgh.

He sighed and nodded.

"Alright. Good night," 'yun lang at umalis na siya. Sinarado niya ang pinto at halos mapahawak ako sa lamesa.

"Grabe," I muttered.

Ang lakas talaga ng dating niya sa'kin!

'Yun lang ang ginawa niya pero.. pero yinakap niya kasi ako?! First time 'yun– namin na ganun kalapit! Gosh. I can't even have a properly breath. Napahawak din ako sa puso ko na grabe ang pagtibok.

Napailing na lang ako at tinuloy ang mga gagawin ko sana ngayong rest day ko.

Kinaumagahan ay maaga ako sa trabaho dahil baka may iniwan ng mga trabaho si Sir Heath simula kahapon.

"Aga mo baks!" sabi ni Gab. Pumunta siya sa cubicle ko. "Galit ang Sir-Init kahapon!"

Kumunot ang noo ko.

"Iba ang galit, Syd! Nawalan nga ng trabaho ang dalawang tsismosa kahapon!"

"Ha? Sino?"

"Sino pa ba? Edi, ang fake friend natin na si Mona at ang dakila niyang beshy kuno na si Daisy!"

Agad akong napatingin sa kaniya. Tumango-tango siya sa'kin.

"Nagalit ang Sir-Init kahapon, hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil nasa loob sila. Ang una pa nga nun ay hindi maayos ang gawa nila at puros mali! Tapos noong pinatawag sila ni Sir-Init, ilang minuto pa ay lumabas silang tahimik at nagliligpit na ng gamit," pag-kwento ni Gab. "Lumabas si Sir, nakakunot ang noo. Nagulat nga ako nang hinanap ka sa'kin. Ang sabi ko naman ay rest day mo, pagtapos ay bumalik siya sa office niya."

"Alam mo kung ba't sila pinatawag at ano ang nangyari sa loob ng office?"

Kinuha niya ang isang upuan at lumapit sa'kin.

"Heto, baks, rumor lang ito, ha! Hindi ko alam kung totoo," mahina niya sabi. Nilapit ko naman ang tainga ko. "Kahapon, si Daisy kasi masyadong pula ang labi, parang sinapak ng ilang beses! Tapos naghahagikhikan sila ni Mona na pumasok sa loob ng office ni Sir."

His Fake Fiancee (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu