Chapter 36

22.4K 567 43
                                    

Caleb

So this is how it felt to be brokenhearted? Ganito rin siguro ang pakiramdam ni Ram sa ngayon. Maybe I should pay him a visit? It sucks to be drinking yourself to death, alone. Nilaro ko ang baso kong puno ng scotch at pinaikot ang walang lamang bote sa ibabaw ng lamesa. Damn, kahit kailan ay hindi pa yata ako nalasing ng ganito. Wala naman kasi akong dahilan. Kahit pa noong malaman kong ipinagkasundo akong ipakasal ni lolo sa babaeng napupusuan niya para sa'kin. I wasn't this wrecked..

Right now I feel like I just got hit by a ten wheeler truck and was left to die in the street. Natalie was my ten wheeler truck. Bigla na lang siyang dumating sa buhay ko, sa tahimik na sanang buhay ko. Bumusina naman siya eh, I should have known na masasagasaan ako, pero hindi eh. I met her head on. Sobrang tapang ko at sinalubong ko ang pagbangga niya sa akin. At ngayon.. Heto ako.. Luray luray.. Labas utak, labas bituka.. Malapit nang mamatay.

Aw damn. Me and my stupid analogies. Does being brokenhearted make you insane? Or maybe it's just the alcohol? Lasing lang siguro ako.

Ngunit imbis na ibaba ko ang baso ng alak at bumalik sa kama upang matulog ay inisang lagok ko iyon. Tumayo ako at kinuha ang isa pang bote mula sa night stand at iyon naman ang pinagdiskitahan.

Ang sarap magpakalunod sa alak pag nababaliw ka sa pagibig.

Matapos kong salinan ang baso ko ay nahagip ng mata ko ang isang bagay mula sa pinagkunan ko ng bote ng alak. I snatched it and toyed with it. It was the keychain Natalie gave me after I wrecked my car. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang mga pinagsaluhan namin ng araw na iyon. I can still remember hugging her when we rode that blasted train. I hugged her again while we were stranded in a waiting shed because of the rain.

That was the day I realized I was infatuated with her. That I enjoy being with her and I never enjoyed any woman's company except for her. She made me try things my lolo would probably burst a vein if he finds out about. That was the day I realized that no matter what the circumstances are, siya 'yung pipiliin kong makasama. May that be in a storm o sa siksikang train ng MRT.

How I miss her. Lahat ng mga bagay tungkol sa kanya namimiss ko. 'Yung tawa niya, 'yung pagiging baliw niya, 'yung mga walang kasing baliw na mga ideya niya. Her tenacity. Heck! I would give anything just to be with her right now. Just to listen to her giggling, just to see her hilarious attempts on flirting with me again.

Pero ano pa bang kaya kong ibigay? Ibinalik ko na lahat ng pagaari ko kay lolo. I don't have anything right now except this boat. And this keychain.

God, paano ba nangyari ito sa buhay ko?

Napapaikit na ako ng mata nang biglang sumambulat ang pinto ng cabin at iniluwa niyon ang dalawang bodyguards ng lolo ko. Pumasok si Frederick Yung sa aking kwarto na may hawak na isang baston. Ngumiti siya ng payak sa akin habang ako naman ay pinaningkitan ng mata.

"What are you doing here?" napatayo ako. Kapit ko parin sa isang kamay ko ang bote ng alak at ang keychain naman sa kabila. "I thought I already made it clear that I don't want anything to do with you or your family anymore?"

"Today's your wedding day."

Nagtawa ako ng pagak. "Ano ba sa sinabi kong hindi kong hindi na 'ko papayag na manipulahin mo pang muli ang buhay ko ang hindi malinaw sa'yo?"

Bumuntong hininga si lolo bago muling nagsalita. "Please, Caleb. Your bride's waiting for you—"

I threw the bottle of scotch behind him and it shattered across the cabin's wall. "Enough lolo! I'm tired of your games! And did I hear that right? You're resorting to pleading now? Bakit? Dahil ba hindi umubra ang pagpapakidnap mo sa mga kapatid ni Natalie? Kaya ngayon nagmamakaawa ka na sa'kin?"

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now