Chapter 5

42.1K 789 67
                                    

Caleb

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na tunog ng doorbell sa condo ko. Mother of all fuckery! Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at padaskol na tinanggal ang comforter na nakabalot sa hubad na katawan ko.

Bumangon ako sa kama upang hagilapin ang T-shirt na hinubad ko kagabi. I always sleep with only my pajamas on. Matapos kong magsuot ng damit ay pabalibag ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Oh for God's sake! Hindi ba talaga sya titigil kakapindot sa doorbell ko?!

I wrenched the door open and shouted at whoever is on the other side of it. "Ngayon ka lang ba nakagamit ng doorbell ha?!"

Ngumisi lang siya sa'kin na parang walang anuman ang pagsigaw ko sa kanya. Oh this crazy woman! I would soon have to disconnect that freakin' doorbell, to save it from abuse. Para matigil narin ang kabaliwan ng babaeng ito, at ang pag gising ko ng wala sa oras.

Ilang araw na kong pinepeste nitong bwisit na bubwit na 'to. Hanggang ngayon hindi parin ako tinitigilan. Iniisip ko na talagang maghanap sa kikitil ng buhay nito 'pag ako talagang napikon. Ang aga aga pa n'yang pumunta dito, ni hindi ko nga alam kung paano nalaman nitong babaeng 'to ang address ko. Talk about a professional stalker!

"Do you know what time is it?" naiiritang tanong ko sa kanya. "It's friggin six in the morning!" tumingin ako sa digital clock sa may sala, "Oh it's not even six yet, at nambubulahaw ka na!"

"Sino kayang nambubulahaw sa'ting dalawa? Ikaw 'tong malakas ang boses baka magising ang mga kapitbahay mo." humalukipkip pa s'ya.

"Una sa lahat, wala akong kapitbahay dahil pagaari ko ang buong palapag na to, pangalawa, wala kang karapatan na sagut sagutin ako." isasara ko na sana ang pinto nang walang anu ano'y mas mabilis pa sa dagang naunahan niya 'ko at nakapasok agad sa condo ko.

Oh this woman's unbelievable!

"In fairness! Ganda ng condo mo ha? Ang laki!!"

Mariin kong ipinikit ang mata ko at saka huminga ng malalim. "Get out of my damned condo, now." pinipilit kong magpakahinahon pero sadyang sinasagad niya ang pasensya ko. Sukat eh basta na lang naupo sa couch ko at parang bata na nagbounce bounce pa siya dun.

"Wow! Ang lambot!"

Hinawakan ko sya sa braso at itinayo mula sa couch. "Did I invite you in? Lumabas ka, wala kong panahon para sa mga bubwit na katulad mo."

"Makabubwit ka naman!" she snatched her arm from me. "Hindi naman ako ganun kaliit, ang yabang mo. At saka wag mo nga kong mahawak hawakan, only Belo touches my skin, who touches yours?"

Naningkit ang mga mata ko. I don't know if I should laugh or just strangle her to death. "First, yes, you are that small. Second, i highly doubt if you can afford Belo, sa itsura mong yan-"

"Grabe ang yabang mo! May nakapagsabi na ba sa'yo na don't judge a book by its cover?" kununutan niya ko ng noo. Funny, coz she doesn't seem pissed with what I said.

Napatitig ako sa babaeng hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang tunay na pangalan. Napaka observant niya, parang lahat na lang nakikita niya. Lahat napapansin, at lahat bibigyan niya ng komento—na kadalasan ay hindi ko naman hinihingi. Nanatili siyang nakatayo doon at palinga linga sa loob ng condo ko na parang sobrang namamangha siya.

Noon ko lang nabigyan ng pansin ang ayos niya. She was wearing her brown wavy hair down, which is so unkempt but somehow looks good on her. She was wearing a jumper over a snug T-shirt, and some sneakers. Malayong malayo sa itsura n'ya nu'ng una ko siyang nakita sa bar.

But I have to say, she's a lot more prettier without make up, katulad nga ng napansin ko noon. Ipinilig ko ang ulo ko. Am I checking her out? This is wrong in so many levels! "Alam mo, miss, I have a long day ahead, kung pwede lumayas layas ka na, bago pa 'ko magpatawag ng exterminator."

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now