Chapter 34 -SPG-

32.9K 601 43
                                    

Caleb

Para akong teenager sa paraan ko ng pagkakangiti matapos kong ihatid si Natalie sa condo niya. Hindi ko alam na ganoon pala kasarap isigaw na mahal mo ang isang tao. Damn, I am so whipped but I am fucking enjoying it. Kailangan kong lakipan ng mura ang bawat salita ko para lang maramdamang lalaki parin ako. Or else, kailangan kong manuntok ng kung sino.

Ngunit panandalian lamang ang kaligayahan ko nang maalala ko kung saan ako papunta ngayon. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang bumalik sa balintataw ko ang galos sa mukha ni Natalie na gawa ng matatalas na kuko ni Heather. I may have grown up without a mother figure, but I knew for a fact that it is not acceptable to hurt a woman.

Para sa akin ay dapat minamahal sila, nirerespeto. Ngunit sa pagkakataong ito ay magkakasala yata ako.

Susubukan kong hindi masaktan si Heather sa abot ng makakakaya ko kaya lang sa twing maaalala ko ang ginawa niya ay sadyang nagdidilim ang paningin ko. How could that sweet eight year old girl from the past grow up to be this evil bitch after just over a decade? Mabait naman si Heather noon, in fact napaka mahiyain pa nga niya. Ngunit nang mamatay ang mama niya ay nagsimula na ring magiba ang ugali niya. I wanted to blame his father for spoiling her, kaya siguro tinubuan ng pagkahaba habang sungay.

Kung siguro ay hindi nagbago ang babae ay baka pumayag ako noon na makasal sa kanya. Kahit pa hindi siya ang first choice ng lolo ko para sa akin ay matatanggap ko. Kung hindi nga lamang siya naging kampon ni taning katulad ngayon.

My lolo's original choice, was just as bad. A spoiled socialite na ang alam lang ay magpaganda at magshopping. Napailing ako. Maswerte akong nakakilala ako ng katulad ni Natalie. Simple at walang arte sa katawan. She's so comical and a breath of fresh air para sa mga katulad kong may pasak na stick sa puwitan.

Mabilis lang akong nakarating sa mansion ng pamilya ni Heather. May isang guard na nagbabantay doon na matapos kong banggitin kung sino ako ay agad naman akong pinapasok. Sa bulwagan ay nasalubong ko ang binabaeng PA ni Heather at tila nagalak pa siyang makita ako. Kung alam lang niya..

"Where's Heather? I need to talk to her." I clipped. Hinawi ko ang kamay niyang ipinatong sa dibdib ko.

"Ikaw naman loverboy, you're so sungit!" the guy pouted and it made me want to hurl. That is one fucked up shit. Nakakapanindig balahibo. "Nasa taas, sa room niya."

Hindi ko na pinansin ang PA nitong ni hindi ko alam ang pangalan at dumiretso na sa silid ni Heather. I've been here before. When I was ten years old, I think? Back when she was still a nice little girl, isinama ako ng lolo ko dito sa mansion upang makipaglaro kuno sa bata. This room was pink and frilly back then. It made me cringe.

I didn't bother knocking. Basta na lang ako pumasok at nadatnan siyang nakatayo sa harap ng salamin at nakasuot lamang ng puting roba. Walang nagbago sa silid, para parin iyong kwarto ng isang sikat na pusang cartoon. She's all smiles when she saw my reflection on the full length mirror. "Hi, honey! What a pleasant surprise!"

Nagmamadaling nilapitan niya ako at tangkang yayakap nang pigilan ko ang braso niya. She pouted. Damn, what's with these people? "Why, baby? Are you having a rough day? I missed you! Ngayon ka lang ulit nakipagkita sa'kin."

"Hindi ako pumunta dito para makipagplastikan sa'yo, Heather. We both know what's going on here." ibinaba ko ang mga braso niya.

Nanlisik naman ang mata niya bilang tugon. "You know you should learn to be nice, Caleb. Afterall, malapit na ang kasal natin." dinampot niya ang isang kulay pulang damit mula sa kama at idinikit iyon sa katawan na tila ba isinusukat. "Actually, I already send out the invitations. And I'll be picking up my gown later. You should come with me, para masukat mo ang tux mo."

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon