Chapter 11

35.8K 788 88
                                    

Natalie

Aligaga ako habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang repleksyon ko. Nakalugay ang kadalasang nakapusod o nakatali kong buhok. Naglagay rin ako ng kaunting make up upang magkakulay ang mukha ko at nagsuot ako ng dress na courtesy, again, ng mahal kong bestfriend.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. Kalma ka lang, Natalie.

Marahan akong naupo sa gilid ng kama ko upang wag magusot ang damit ko. Nakakahiya naman kay Axel kung mukha akong gusgusin. Dress to impress ako ngayon, ika nga!

I checked my watch and realized it was almost time to go. I took another look at the mirror and sighed. Wala na talaga, hanggang ganito lang ang kaya ko. At least presentable na 'ko.

Dali dali akong lumabas ng condo ko.

Nang makarating ako sa meeting place namin ni Axel ay namangha ako.

Isang four star restaurant pala ang lugar na sinabi sakin ni Axel. Bakit naman niya 'ko naisipang dalhin dito? Ganun na ba ka-bigtime ang ex ko? Never pa niya 'kong dinala sa mga ganitong klaseng lugar mas high end pa 'to kumpara dun sa restaurant na pinagdalhan nya sakin nung nagbreak kame.

You wouldn't want to go there, If I were you, Natalie. Babala ko sa sarili ko. Papano naman kase, hindi ko maiwasang ma-teary eyed sa twing maaalala ko yung araw na yun!

Hindi ko alam kung papasok na ba 'ko sa loob o hindi. What if hindi ako siputin ni Axel?

Pero kaysa naman tubuan ako ng ugat at matuyuan ako ng dugo sa katatayo dito, nagpasya na 'kong tumuloy sa loob.

"May reservation po kayo, ma'am?" tanong sa'kin nu'ng receptionist.

Patay. Hindi ko alam kung nagpareserve ba dito si Axel or what. I started to panic and was about to turn my back when somebody laid his hands on my shoulder and said, "Yes, under the name of Axel Cuevas."

"For a minute, sir." ngumiti ang receptionist sa'min.

Nilingon ko si Axel at matapis na ngiti ang sumalubong sakin. "Hi, Natalie, you look ravishing tonight."

Napalunok ako. Syet! Ang gwapo niya in his black button up shirt. Maayos na maayos rin ang makintab na buhok niya. Bakit parang mas pumogi siya ng ten times ngayon kesa noong kame pa? "Ahh.. H-hi, Axel.. You-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang lumapit samin ang waitress at giniya kame patungo sa nireserve na table ni Axel.

Napakagat labi ako lalo na nang ipaghila ako ng upuan ni Axel. Gusto ko tuloy mapakanta, haba-ng-hair-nagrejoice-ka-ba-girl?

Naupo sa harapan ko si Axel, ngiting ngiti parin siya hanggang ngayon. Napalinga ako sa paligid. "A-Axel.. Grabe naman.. Parang.. Masyadong mahal dito. Okay na sana ko kahit sa Mcdo o Jolibee lang."

Axel laughed. "Don't be ridiculous, Nana!" he took a deep breath and stared intently into my eyes. "Hindi ko ito nagawa para sa'yo nu'ng tayo pa, hayaan mo 'kong bumawi ngayon dahil kaya ko na."

Marami pa 'kong gustong itanong pero pinigilan ko muna ang sarili ko. Ayoko namang isipin niya na napaka nosy ko. Mabuti na 'yung sa kan'ya manggaling 'yung salita at hindi sa'kin.

"Kamusta ka na nga pala?" he asked while nagseserve yung waiter. "Yung painting na ginagawa mo noon? 'Yung lalaki sa Manila bay? Tapos na ba?"

Ang tagal tagal na nu'ng painting na 'yun. Natapos ko 'yun bago pa man kame maghiwalay. Sa pagkakatanda ko, nasabi ko na 'yun sa kan'ya. Nakalimutan niya siguro. O baka ako 'yung nakalimot na sabihin sa kan'ya? Ewan. "Yeah, natapos ko na.." sabi ko habang nilalaro ang dulo ng table napkin sa kandungan ko.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora