Chapter 13

29.6K 490 52
                                    

Natalie

Napanguso ako matapos kong ibaba ang binoculars na sinisilip ko kanina. Hinawi kong pasara ang kurtina saka ako pumihit upang harapin ang hudyong si Caleb.

"What do you think you're doing?!" 

Tawa ng tawa ang siraulo. "What?" pabagsak siyang nahiga sa kama ko na kanina lamang ay inuupuan lang niya.

"Imbis na tulungan mo 'ko. Nangunguyakoy ka lang d’yan! Ano ba, Caleb?!" hinablot ko ang unan ko na bigla na lang niyang niyakap. "Mangangamoy ikaw ‘yan eh!"

"What's so wrong with that?" he asked, his eyes dancing with amusement. "You like how I smell. Gustong gusto mo nga pag niyayakap kita eh, diba? Diba?" sinundan niya iyon ng nakakayamot na tawa.

Alright, alright. Hindi sya nakakayamot. In fact, I love the sound of his laugh. Crisp, and.. God, I really don't wanna admit this but it’s sexy.

Hindi ko alam kung anong problema ng nilalang na 'to. I mean, he was all grumpy a few hours ago. And I can fully understand that. He was offended. Naoffend siya sa sinabi kong ang role lang niya sa operasyon naming ito ay taga supply ng pera. Financer.

Eh bakit ba? 'Yun naman ang totoo diba? Heto nga at dahil din sa pera niya, nakuha namin ang suite na katapat ng suite nila Axel, na nasa kabilang wing ng hotel na 'to. Kaya ngayon, malaya ko silang namamatyagan. 

"Kung tulungan mo na lang kaya akong—"

"What? Mag-spy? That’s boring. At alam mo bang voyeurism ‘yang ginagawa mo?" he said snatching my pillow back and putting it under his head. Hinayaan ko na lang sya this time. "Besides, hindi ka ba nasasaktan sa mga nakikita mo? They kiss, they hug, they - eherm - aren't you even jealous?"

Natigilan ako. "I-I don't know.." I hesitated.

Bumangon siya mula sa kama at hinawakan ang braso ko. He slowly pulled me towards the bed. Napaupo ako doon.

"What do you mean you don't know?" his dark eyebrows were pulled together.

Nagkibit balikat lang ako. Sa totoo lang, parang wala naman nang dating sakin ‘yung nakikita kong ka-sweetan nung dalawa. Hindi ko talaga maintindihan. Siguro sa tinagal na nakikita ko silang ganoon, nawawalan na ng epekto sa’kin. Namanhid na 'ko kumbaga. Shit! I really don't understand myself anymore!

"Hindi ka nagseselos.. So, that means you're probably over him, right?" usisa ni Caleb. "Eh di nagaaksaya lang pala tayo ng oras dito?!" nahampas niya ang sarili niyang mga hita.

"Hindi ‘yun ganun!" naiinis na angal ko. "Maybe.. Maybe I'm just.. Baka namanhid na 'ko."

Even I, was not sure of my own answer. How in hell are you going to convince him, Natalie?!

"Or maybe you don't love him anymore." Caleb deadpanned. "Oh baka naman—" hinarap niya 'ko, a mischievous grin plastered on his handsome face. 

"W-what?" parang di ko ata gusto yung tono niya. Panigurado, may kasamang pambubwisit ang sasabihin niya.

"Baka naman sakin ka na inlove?" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ang kapal mo naman! Ilusyunadong 'to! Feeler much?!" hinampas ko siya sa balikat.

Siya naman ay napahigang muli sa kama ko sa katatawa. "Ako pa talaga ang ilusyunado ha? Oh God, Natzkie, you could really be funny sometimes!"

Inirapan ko siya. Letse 'tong lalaking 'to! Hindi porket naamin ko na sa sarili ko na crush ko siya, ibig sabihin na nu’n, may chance na mainlove ako sa kanya! Nunca! Asa! Nganga! Kay Axel lang ako! Si Axel lang ang mahal ko. At si Caleb, hanggang crush lang, kahit pa sobrang sama ng ugali nya kung minsan.. Sige lang, Natalie, kumbinsihin mo ang sarili mo!

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora