Chapter 26 -SPG-

28.5K 597 40
                                    

Natalie

Inihatid ako ni Caleb sa condo ko matapos ang pangyayaring iyon. He kept glancing at me and smiling. Katulad kaninang papunta kaming luneta ay nakahawak ulit siya sa kamay ko. Leche, asa pa 'yung Heather na 'yon na basta ko na lang isusuko sa kanya si Caleb! Nganga, boy! Magsasabunutan muna kami bago niya maagaw ang boyfriend ko! Over my dead gorgeous body!

Ano kaya kung pikutin ko na si Caleb?

Aish. Di na kailangan, labs naman niya ako eh.

Pero subukan lang talaga ng Heather na 'yan, wala akong paki kung engaged parin sila, basta ako ang mahal ni Caleb, nunca na pakakawalan ko siya!

"Anong iniisip mo, Natzkie, bakit ganyan itsura mo?" natatawang tanong ni Caleb. Hindi ko napansing nakatingin pala siya sakin.

"Ha? Bakit? Ano bang itsura ko?"

He chuckled. "Mukha kang papatay ng tao and you look so smug about it na parang sigurado kang you can take that person down."

"Eh talaga namang sigurado ako!" maaskad na sagot ko. Tumingin ako sa kanya saka kumindat. Bumunghalit naman ng tawa si loko.

"Sino bang balak mong patayin, sweetheart?"

Umingos ako at tumingin sa bintana. "Basta, saka ko na sasabihin sayo."

"Daya mo."

Nilingon ko muli siya at natawa ako nang makumpirma kong nakanguso nga siya. "Kuu, Caleb Damien Yung! 'Wag mo 'kong daanin sa pagpapacharming mo!"

"Anong pagpapacharming? Madaya ka talaga, you're supposed to share your secrets with me!"

"That's what I have Libby for!"

He looked at me to scrutinize my face.

"Eyes on the road, Caleb." I teased.

He did what he was told. "You're seriously not gonna tell me who you're about to kill?"

"Nope!"

"Bahala ka," he shrugged. "Just don't ever call me in the middle of the night asking for my help in burying the body. Hindi talaga kita tutulungan."

Natawa ako sa pagaasal bata niya. "As if you can resist me!"

"Oh, I can!"

"Talaga lang ha? Kaya pala napilit kitang tulungan ako sa kalokohan kong bawiin si Axel?" I challenged him.

He grinned at me while keeping his eyes on the road. "I did that to get you off my back, don't be so smug, sweetie."

I grinned back at him. "Eh di uulitin ko yung ginawa ko noon hanggang mapapayag kita. Or else bibitbitin ko yung bangkay papunta sa condo mo. I doubt if you can resist that?"

Napailing siya at natawa. "You really are devious."

"I am!"

"Kaya mahal kita eh."

"Utot!"

Tatawa tawa ako pero deep inside, kilig na kilig ako!

Nang dumating kami sa condo ay parang ayaw pang umalis ni Caleb. Panay ang nguso sa'kin ng loko at hingi ng hingi ng halik. Yun nga lang puro smack lang ang ginagawa ko, mahirap na't baka kung saan nanaman kami mauwi. Pinamulahan ako ng pisngi nang maalala ko ang nangyari sa amin kahapon.

"Are you thinking what I'm thinking?" mapanudyong tanong niya habang nakapulupot ang mga braso sa katawan ko.

"Maybe."

He sniggered. "Natzkie.."

"Ano?"

"Yung.. Yung ano.." his fingers started tracing the skin of my forearm.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now