Chapter 20

19.6K 597 50
                                    

Natalie

Maingat na ibinukas ko ang pinto ng condo ko. Shit! Hindi ko matandaan kung nakapaglinis ba ako ng matino kanina! Sa mga nagdaang araw kase, puro pagmumukmok at pag eemo ang ginawa ko. I tried painting, but I was easily distracted. Hindi ko nga alam kung ilang araw na ba ang lumipas na puro si Caleb lang ang nasa isip ko.

Hindi ko na naalala na maglinis ng bahay ko.

Kase naman kung bakit pumayag payag pa 'ko na pumunta si Caleb dito! Kung makapang hipnotize naman kase 'yung mga mata nya, ganon na lang!

Ang daya!

"What are you doing? Let me in." that's when I realized I was blocking the way.

Napaka demanding nito kahit kelan. Slow motion na pumasok ako sa loob ng condo ko. Nang mamataan ko ang maruruming damit sa paanan ng kama ko ay agad kong dinamba iyon. Mabilis na hinagis ko ang mga damit sa hamper sa pinakasulok ng kwarto. Dinakma ko lahat ng kalat na nakikita ko at mabilisang niligpit iyon. Susme! Bakit ba napakaburara ko?

Nagulat na lang ako nang bumagsak ang malaking bulto ni Caleb sa ibabaw ng kama ko. I stared at him horrified. Please, sana naman mabango pa ang bed sheets ko! Feel at home naman kase masyado ang lalaking ito! 

But now seeing him there.. Parang ang sarap magpagulong gulong sa kama kung ganyan din lang naman ang nakalatag!

Dahil nga hindi na nagawang magpalit ng damit ni Caleb ay ang puting tshirt at pajama parin ang suot niya—mabilis lang naming dinakma ang susi ng kotse nya at kumaripas na kami dito. Umangat ang laylayan ng tshirt niya, at nahantad ang kalahati ng itinatago—itinatago nga ba?—niyang abs. At hindi lang 'yon! Wait there's more! Yung V shape sa ibabaw ng garter ng kanyang pajama, nakahantad din!

Pasimpleng pinahid ko ang gilid ng labi ko para makasiguro na walang laway na tumulo doon.

Susmarya! Ingat na ingat akong huwag nang bumaba pa mula roon ang mga mata ko at baka iba na ang makita ko! Tuluyan ng mababahiran ng kaberdehan ang utak ko! Utang na loob, tukso layuan mo ako!

"Liked the view?"

Mula sa gitna ng katawan ni Caleb ay lumipad ang mata ko patungo sa mukha niya. He was grinning at me. Hudyong 'to! Nagawa pa 'kong buskahin!

"Tse!" awtomatikong napa-about face ako at tinungo ang work area ko. Nagkunwari akong nagliligpit ng mga kalat mula roon, pero ang totoo, pilit ko lang naman na itinatago ang pamumula ng pisngi ko.

Kung bakit kailangan na lang ako laging mahuli ni Caleb na tinititigan ang katawan niya? At kung bakit hindi ko rin naman mapigilan ang titigan siya? Ang hirap ng kalagayan ko. Ang hirap pigilan ng nararamdaman ko!

"Wow."

My head whipped as I heard Caleb's awed voice. He was standing at a life size painting of a naked woman. It was of color black, yellow and blue. Her hair's cascading down her curvy body, her arms are extended as if freely giving herself in. Ang pinakapaborito kong parte ay ang mukha niya. Her lips to be exact, she had this mysterious and yet naughty smile promising love and at the same time, passion and pleasure.

Napangiti ako. Ginawa ko iyon siguro mahigit isang taon na ang nakakalipas, I was so happy back then—so inlove and so loved—iyon ang highlight ng relationship namin ni Axel. Binuo ko iyon nang inakala ko ay handa na 'kong ibigay ang lahat lahat sa kanya.

"You're fucking good, Natzkie!" humarap sya sakin. Yung mga mata niya, nagniningning na parang proud na proud siya sakin.

It warmed my heart. Nobody had ever looked at me like that. Sure, nagagalingan sa’kin ang bestfriend kong si Libby, siya ang number one fan ko eh, number two lang ang nanay ko. Madalas pinupuri din naman ako ni Axel, pero hindi ganito. Hindi ganito ‘yung feeling na parang gusto na 'kong patayuan ng rebulto nitong kaharap ko. Siguro dahil ramdam ko na sinsero talaga si Caleb? Na hindi niya sinasabi ito dahil kailangan nyang sabihin. Totoong nagagalingan talaga siya sakin.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now