Chapter 24

16.1K 469 22
                                    

Natalie

It turns out na naiwan ni Caleb ang laptop nya kaya ito bumalik. Oo nga naman, dala ng kagagahang taglay ko, nagpagulong gulong kaming dalawa sa sahig na nalimot na namin ang laptop niya na muntik pa yata naming madaganan. Or something like that.

He laid me down to sleep. Gusto ko syang kausapin at itanong kung bakit tahimik siya but I couldn't find the courage to do so. Para akong nautal nang mga panahon na 'yon. Dapat yata akong magpaliwanag sa kan'ya, pero di ko naman alam kung saan maguumpisa. Paano ko ieexplain ang pagiyak ko? Eh ni hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak! Nasisiraan na yata ako ng ulo.

Matapos ang ginawang paginterrupt samin ni Libby ay agad din naman siyang umalis. Walang sali salita. As in napa-about face sya and the next thing I knew, sumara na yung pinto.

At iyon nga, pinatulog ako ni Caleb. He just kept on kissing my temple as he laid down beside me. No words were said between us. Pareho kaming nagiisip.

Nakatulog ako noon na hawak ang kamay niya at nakasubsob ang mukha sa dibdib niya. Ngunit nang magising ako ay unan na lang ang katabi ko. Napabuntong hininga ako.

The next day, tumawag siya sa akin na susunduin daw ako at may pupuntahan kami. Hindi kababakasan ng ano mang sama ng loob ang boses niya. In fact, he sounds... Happy.

"Let's go, sweetheart." nakangiting sabi niya at ginagap ang kamay ko.

"Caleb.." I started as he ignited the engine of his Audi R8. Tumingin siya sa akin ng nakangiti at nakataas ang dalawang kilay.

"What is it, sweetheart?"

"Galit ka ba sa'kin?" nakangusong tanong ko.

He smiled and then laughed like I was being silly. He moved in to kiss my forehead. "There's nothing you can do to make me mad at you." aniya. Umayos siya ng upo at pinaandar na ang sasakyan. "You are my first girlfriend, Natalie, I really don't wanna screw this up but I might. Sana tulungan mo 'ko, mas beterana ka sa larangan na 'to."

"Sobra ka naman makabeterena! Parang edad sixty na 'ko sa tunog nun ah!"

Tumawa siya. "You kinda look like you're in your sixties, anyway."

Inirapan ko siya pero tumawa lang ulit siya. He took my hand. Ang higpit ng hawak niya sakin at kahit pa kailangan niya mag shift ng gears ay hindi nya binibitawan iyon. It felt comforting. At least ngayon alam ko na hindi siya galit sa akin o nagaalinlangan sa relasyon namin.

Caleb wants me. And I want it to stay that way.

It's nice to feel that somebody wants you. Na mayroong taong handang tanggapin ka sa anumang kahinaan mo at walang balak na iwan ka anuman ang mangyari.

Humantong kami sa Luneta park. Nakangangang tumingin ako sa kaniya habang siya ay ngumisi lang. He parked his car along with the others. It was funny how his luxury car stood out. Parang siya lang. He was wearing a simple blue plaid polo and maong pants pero animo isa siyang artista sa lugar na iyon.

"Why here?"

Agad na ginagap niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. He was smiling from ear to ear and it was so infectious I'm starting to smile as well. Kahit wala naman talagang kangiti ngiti sa sitwasyon.

"I haven't been here," he said. "And since first girlfriend kita, gusto ko gawin natin 'yung mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon. I want you to be with me every step of the way, Natzkie."

Tuluyan na akong napangiti at pinisil ko ang kamay niya. "Kahit saan pa yan, sasamahan kita."

"Promise ha?"

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now