Chapter 16

22.1K 518 48
                                    

Natalie

I'm feeling guilty. I really should get a rope right now and tie it around my head and just.. Choke myself to death. That's how guilty I felt.

Why? Dahil kinikilig ako.

Hindi naman dapat ako kinikilig diba? Diba?

Kung kiligin man ako, dapat dahil ‘yun sa nagtagumpay ang plano. Nagaaway ngayon sila Axel at Heather at mukhang maghihiwalay sila!

Hindi dahil nakayakap ako sa nuknukan ng gwapong si Caleb! Hindi dahil ang bango bango ng kili kili niya at lalong hindi dahil nagssweet dance kame o dahil sinabihan niya 'ko na gusto niya 'ko!

Well, he didn't exactly say that he likes me. He just asked me what would I say if he says that he likes me. Pero parang ganoon na rin ‘yun diba?

Gusto niya 'ko. OMG. Gusto niya ako!

Bakit?

Kung minsan bet kong maghalughog ng screw driver sa kung saang lupalop para higpitan ang kung anu mang turnilyo ang maluwag sa utak nitong si Caleb. Why would he like me? Anong ka like like sa’kin? I'm not a skinny supermodel. Hindi ako heredera ng isang sugar magnate at hindi rin ako maganda! Cute. Okay. I’m gonna give myself that. Sabihin na nga nating cute ako. Pero sapat ba 'yun para gustuhin ako ng isang demigod? Hello? Caleb Damien Yung 'yan, pa choosy pa?

Rapunzel lang ang peg? Sobrang haba ng hair?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napabungisngis ako. Maigi na 'yun kaysa yung naisip kong mag patalon talon with matching tili at cartwheel diba? Masyado na ba 'kong halata? At ang lakas lang maka commercial ng napkin ng ganung eksena.

Anyway, balik tayo sa topic about my guilt..

Seriously? What am I gonna do? Am I supposed to, like, restrain myself from feeling this? Dapat ko bang pigilan? Dapat pa ba 'kong magdeny na kung anuman ang nararamdaman ko para kay Caleb, hindi na lang basta crush?

Ultimate crush?

Hindi e.

Pero ano ba talaga?

A few hours ago, I was so sure that I am still in love with Axel. Why, all of a sudden, parang nagdowngrade siya sa puso ko?

Dahil ba sa pa rescue rescue drama namin ni Caleb kanina? Yung tipong nageffort talaga siya na iligtas ako? Pwede naman niya 'kong pabayaan na lang na mahuli nu’ng dalawa. That way, tapos na ang problema niya sakin. Pero mas pinili niyang takbuhin yung kinaroroonan ko at iligtas ako sa tiyak na kahihiyan. Mababaw man, nakita ko yung effort.

And it isn't everyday that a multimillionaire and an abso-fuckin-lutely gorgeous guy comes to your rescue.

Minsan hindi na rin kaya ng powers ko yung kamandag na taglay ko eh.

"Natalie, can you stop giggling right there and say something?"

Nakagat ko ang hintuturo ko upang mapigil ang panibagong daluyong ng bungisngis ko. God, Natalie, could you please get a grip? "I-I'm sorry.." I stuttered.

"Nababaliw ka na ba d’yan??"

Lumayo ako ng kaunti kay Caleb although we are still at a hugging distance. "Sorry.. Eh kasi naman eh.."

"Kasi ano?"

"Wala!" I couldn't look him in the eye. I focused on his white t-shirt that is stretched deliciously on his fine muscled chest. Haay grabe.. Hotness overload..

Pamaypay, please?

"You know, sometimes, I wanna break that thick skull of yours just so I can read what you're thinking." Caleb sighed frustratedly. "Here I am, telling you that I like you and you respond with a fits of giggle."

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα