Chapter 22

17.3K 519 26
                                    

Natalie

"Watdapak??"

Sinimangutan ko si Libby matapos niyang sumigaw ng pagkalakas lakas. Itong babaeng ito, kala mo naman kulang pa ang pagiging maganda niya para hindi siya mapansin sa loob ng coffee shop, kailangan pa talaga niya gumawa ng eksena.

"Seryoso ka ba, Natalie Gifford? Kayo na? Ni Caleb Damien Yung?!"

Agad akong napaigtad at kusang umangat ang mga kamay ko upang takpan ang bibig ng bestfriend ko. "Lukaret ka! Diba sinabi ko, 'wag kang maingay? Baka may makarinig sayo!"

Pinandilatan niya ako kaya napilitan akong tanggalin ang kamay na nakatakip sa bibig niya. "Sshh ka lang, pwede?"

"Bakit kailangang manahimik, bes?" she rolled her eyes. "Caleb Damien Yung 'yan! Tagapagmana ng naglalakihang hotels at casino! Dapat proud ka! Ipagmalaki mo, bes, ibang klase ang level ng kagandahang taglay mo!"

"Hindi nga kase ganu'n 'yun!"

Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng coffee shop. Humigop ako ng frapuccino tapos bumuntong hininga ulit.

"Why don't you explain it to me, my dear friend?" humalukipkip si Libby at tinitigan ako ng mataman. Nakakainis ang babaeng ito, kahit pa galit siya mukha parin siyang nagpopose sa harap ng isang photographer.

I took a deep breath and gave her a steady gaze. "Alam mo naman na hindi basta basta si Caleb. He's a known personality!"

"Eh ano naman ngayon?" nakataas ang kilay na tanong ni Libby.

"Syempre, pinoprotektahan lang namin ang image niya!"

"So, you're saying na dapat itago ka niya sa publiko dahil masisira ang image niya pag nalaman ng taumbayan na may girlfriend siyang hindi taga alta sosyedad?!"

"Ganun na nga.." malungkot na sabi ko.

"Gaga ka ba?!" Libby snarled. "Hindi ka niya dapat itago o ikahiya! What the F, Natalie? He said he likes you, if so, then he should be proud of you! Hindi ka pera na dapat itago sa bangko para magkainteres! You're a freakin' trophy. Marapat ka lang idisplay, bes! Hello? Bakit ang tunog e parang minemenos mo ang sarili mo? Bakit ikinakahiya ka ba ng Caleb na 'yan ha?"

Frustrated na napabuga ako ng hangin. "You don't understand!"

"Talagang hindi ko maintindihan, Natalie!" gigil na sagot niya. "Humanda sakin 'yang Caleb na 'yan. I'm gonna give him a piece of my mind! Teka, bakit ba ang tagal niyang boyfriend mo?"

I swooned at the thought of having Caleb as my boyfriend. Hindi parin ako makapaniwala sa ngayon. Ibang klase talaga 'ko. Ibang leveling na ang kagandahan ko, out of this world!

"He's late. Naku! Bawas points nanaman 'yan!" di parin matapos tapos ang paglilitanya ni Libby. Habang ako naman, nakangisi habang nakatingin sa kawalan. Namimiss ko na agad ang boyfriend ko. Kahit pa sabihin na kahapon lang naman kami huling nagkita.

Eh sorry naman! I couldn't get enough of him and his highly addictive kisses. Parang rugby lang.

"Naku! Naku! Naku! Kung makikita mo lang ang itsura mo, Natalie, mukha kang nababaliw!" sabay irap sakin. "Kilig na kilig e, kala mo first time!"

"Eh bakit? First time ko naman talaga magkaboyfriend ng saksakan ng gwapo ah?"

"Saksakan ng gwapo talaga?"

Napaigtad ako nang marinig ko ang baritonong tinig ni Caleb sa likuran ko. I whipped around in time to see him grinning smugly at me. Okay, lalaki nanaman ang ulo ng lalaking 'yan!

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now