Chapter 10

37.2K 812 92
                                    

Natalie

Nakapangalumbaba ako habang mataman kong pinagmamasdan sina Heather at Caleb, ilang mesa ang layo saakin. I took out the phone Caleb let me use and snapped pictures of them while Heather's laughing incessantly at whatever joke he'd said, while the brute was grinning at her from ear to ear.

I couldn't help but snort. So, capable naman pala s'yang maging nice? Bakit saakin hindi niya magawa 'yun? Bakit pagdating saakin, napaka bipolar niya?

I snapped another picture as Caleb's hand rested behind Heather's seat. Pinagmasdan ko sila habang naghaharutan sila sa kabilang mesa. Again, I snorted.

Paano ba naman kasing hindi ako magrereact ng ganito? Parang kahapon lang, ako ang nilalambing ni Caleb. He hugged me.. Heck! He almost kissed me, for God's sake!

Alam ko namang walang ibig sabihin 'yun eh.. I sighed. Nakakainis lang dahil kanina nung magkita kame, buong akala ko magiging warm siya ulit sakin katulad kahapon. Pero hindi eh! Isang matinding pagsusungit nanaman ang inabot ko matapos kong ituro sa kanya kung anong dapat niyang gawin ngayon!

Gusto ko lang naman na kunwaring makipaglapit sya kay Heather—nalaman ko kase na pupunta nga sa restaurant na 'to si Heather, kung paano ay 'wag na kayong magtanong. Kunwari ay by chance meeting lang ang mangyayari. Caleb will act friendly, tapos kukuhanan ko sila ng pics then I will send it to Axel—anonymously—planting seeds of doubt in the poor guy's mind.

Caleb just said that it was a good idea then he ignored me the rest of the way towards here.

Uhg! He's so freakin' bipolar!

At ako naman 'tong si tanga na umasa!

Napayuko ako at dinutdot ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Pinilit ko pa syang iorder 'to para sakin kanina. Pero ngayon parang wala nang appeal sakin yung pagkain. Ngayon pang nakikita ko silang maglandian sa harap ko?

I tortured the beef on my plate. I hate Caleb. Ang landi niya! Ang landi landi niya!

I stared at the poor meat as it grew brown hairs and chinito eyes popped on it. Mas lalo akong nanggigil. Tinusok tusok ko iyon hanggang sa malasog. 'Yan ang dapat sa'yo Caleb Damien Yung. Durugin. Tusukin. Gutayin!

Ibinaba ko ang kubyertos at sumimsim ng apple shake. Bakit ba kase ako affected? I shouldn't be feeling this way! I shouldn't be bitter! Gusto kong mapaantanda. Jusko! Mukhang nagkakacrush pa ata ako sa bipolar na si Caleb. Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit sa kanya pa 'ko humanga?

Hindi naman siya gwapo. Hindi siya macho. Hindi siya matalino. Hindi siya malambing. Hindi siya mabuting nilalang!

Yeah right. Amalayer.

The thing is, Caleb's gorgeous. He is dangerously gorgeous. And what the hell do I mean by that? If your heart's not guarded enough, you might fall in love with him. And that is just wrong in so many levels! Una, may jowa ako; Although hindi sya aware na jowa ko parin sya. Pangalawa, hindi kami magkalevel. Kulang pa kung sasabihin kong langit at lupa ang pagitan namin. We're like light years apart! Sobrang yaman ng mga Yung. Nakakalula, ever! Samantalang ako, eto, mas mahirap pa sa daga.

Hindi ko narin kailangan aminin pa na macho si Caleb diba? Shucks! Those biceps are to die for! Nun niyakap niya 'ko sa waiting shed.. Heaven forbid. Talagang I feel safe inside his arms. Hindi ko narin kailangan pang uliting sabihin na mali 'yun, hindi ba?

Caleb's smart. Hindi lamanng sa paraang aral, kundi street smart din siya. At kataka taka iyon considering na he grew up sheltered. Laking aircon, kumbaga.

I sighed. At kung gugustuhin niya, he could be very nice. Minsan parang sinasadya lang niyang magsungit sa'kin pero deep inside, mabait talaga siya. Nagsusurface 'yun sa mga panahon na unguarded siya. He would do nice things such as offering you his jacket, ihatid ka sa bahay, yakapin ka pa nilalamig ka, iorder ka ng pagkain pag nagugutom ka.. I sighed again.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now