20: Real Psychopath

35 8 0
                                    

Warning: Don't be scared or take seriously some plots and informations included in this chapter.

This is so pathetic,

Naglakad ako sa madilim na hallway nito habang bitbit ang aking bag sa kabilang kamay. Kagaya ng dati, madami parin akong naririnig na mga sigawan, kaliwa't kanan. Kahit madilim, alam kong nakatingin sila sa akin pero pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad. Tanging liwanag lang ng maliliit na bintana sa gilid ng pader ang nagbibigay ilaw sa lugar na ito.

At hindi ko parin akalain, na nandito parin siya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maglakad kasi kung makikita ko siya ay masasaktan lang ulit ako.

"Ate, palabasin mo ako dito!"

"Hi, miss. Ha...ha...ha...!"

"Awoo, I'm ready to kill."

Isa ang mga iyon sa mga naririnig ko tuwing lalakad ako dito sa gitna. Naririnig ko ang mga hinaing nila sa aking magkabilang tenga. Though, natatakot ako ng kaunti pero dapat masanay na ako. Trabaho ko rin naman to, e. Pangatlong beses ko palang na bumalik dito pero habang papalapit parin ako sa kanya, sumisikip ang dibdib ko.

Maya maya pa, ang aking sadya dito sa lugar na ito ay narating ko na.

Hinarap ko ang kanyang madilim na selda at noong una ay hindi ko siya nakita pero maya maya pa ay nagpakita ito mula sa dilim.

Hindi siya nakalapit sa akin ng tuluyan dahil nakakulong siya sa kanyang selda. Humawak lang sa bars ng kanyang kwarto at nakatitig sa akin habang nakangiti.

"Ate!"

Boses niya palang ay naiiyak na ako. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siyang ganito. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako madalas dumalaw sa kanya dahil ayoko ma-witness ng mga mata ko kung paano siya magdusa sa sarili niyang kadahilanan.

"Ate! Ilalabas mo na ako dito?"

Napatungo nalang ako. Napatungo ako dahil wala akong magawa kundi umiyak. Oo, tumulo ang luha ko magmuli. Katulad ng sinabi ko, hindi ko kinakayang makita siyang ganyan.

"Ate, 'wag ka umiyak! Patay na sila! Wala na 'yong tatlong babae? Patay na sila. Tapos na ang libing kaya 'wag ka na umiyak!"

Bakit mo kasi ginawa 'yon?

Bakit ka pumatay, Kendrick?

"Ate Allison, tapos na ang libing nila. Tumigil ka na sa pagiyak!"

Ayoko, umiiyak ako dahil kasalanan mo ang lahat kaya sila namatay at kaya ka nakulong. Nakulong sa isang psychiatric mental prison.

"Kendrick." Wika ko sa kanya habang nakatungo.

"Ano? Lalabas na ba ako?" Umiling ako.

Sa sandali ay wala akong narinig na reaction mula sa kanya pero nagitla naman ako ng kinalabog niya ang bars ng kanyang selda at sumigaw.

"Aaaahh!! Palabasin niyo ako dito!!!"

Matapos no'n, pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa kanya.

"Kendrick tama na!" Natigilan siya.

"Palabasin mo ako dito kung hindi, papatayin kita!"

"Iyon na nga! Papatay ka kung makakalabas ka d'yan! You're a psychopath, Kendrick!"

You are dangerous. There, whatever you say, you won't do it because you are not be able to.

"Aaaaahhhh!!" Muli siyang nagwala.

When Twilight Comes [On-Going]Where stories live. Discover now